Iba iba kasi ang signs of labor momsh, at depende rin sa bilis ng progress mo. In my case, nag spotting aq ng sabado ng gabi, may hilab pero tolerable. Nakapaglaba pa q ng sunday. Yung discharge q tuloy tuloy na pero isang beses lang yung spotting. Pagkalunes ng umaga, may blood discharge na naman aq, pero tolerable pa rin yung sakit. Pakanta kanta pa nga aq habang nagsasampay. Pero yung blood discharge q, tuloy tuloy na, para na kong nireregla. Dinala aq ni mama sa ospital para ma ie, i was 3cm ata yun or 4cm. Sabi ng nurse bumalik nalang kami kinabukasan, pero nag stay kami sa ospital kasi nagsisimula nanyung sakit. Alas otso ng umaga aq in-I.E ng 3-4cm palang, alas dose ng tanghali nanganak aq.
Romnia Grace Divinagracia