Feeding bottle
Hi mommies im on my 34 weeks ask ko lang po kung need ba talaga magdala nang feeding bottle at milk ni baby sa hospital.first time po kasi ako.pero gusto ko pa din breast feed sana magkaroon agad ako nang milk.thanks
Ang alam ko bawal dahil sa milk code pero Depende ata sis. Ako nun nagdala ako ng feeding bottle. Pero di nagamit. Kasi pina latch sakin si baby agad. Pagka panganak po natin, meron na po tyo colostrum. Tho very konti lang sya and hindi mo talaga napapansin kaya yung iba is nagpapanic and iniisip na wala silang milk.
Đọc thêmBawal po ang feeding bottles, my batas po yta about sa bf.. Sabi ng ob ko sa manila doctors pinagbabawal dw ung ng doh kc pinopromote dw ung pag bbf.. pero bumili dn ako ng feeding bottles in case.. Ipinapagay ko sa bag ng mil ko hiwalay sa gamit namin ni baby..
bawal🤣🤣pag sa public hospital,pero sa private carry lang..nung nac.s kc aq ung asawa q pa pinabili ng milk at feeding bottle,tapos naung normal deliv aq sa public hosptal di nla pinapayagang ndi magbf,eh wala aqng milk kaya nagdala tlga aq ng fbottle,tnago q lng
mostly bawal tlaga formula milk. Ako din twice nanganak at wala tlga lumalabas, public at private hosp yun, hindi ako pinagFormula. IpaLatch mo lang may lalabas din jan. Kapag inumpisahan mo sa bottle, aayawan nyo pareho breastfeeding kc mas madali yun.
Pwede ka na yata ng malunggay caps para magka gatas na agad. May nabasa ako recently lang na mas okay kung nag take na ng supplement before pa manganak tapos parang karamihan yata sa mga hospital ngayon preffered is breastfeeding.
Yung nireseta po saki natalac pero hindi siya effective sakin so life oil tinake ko
Depende sa hospital kung gaano sila ka strict sa milk code. Dito sa FUMC Valenzuela nung nanganak ako noong 2017 bawal magdala ng bottle. Kahit nga pump bawal e. Push sila sa breastfeeding kahit CS.
Ako twice sa private hospital nanganak, pinagdala ako ng ob ko ng formula and feeding bottles. CS kasi ako, nakapagpabreastfeed naman ako after a fee hours nung kinaya ko na medyo makaupo
Haha! Diko alam may code pla about bf😅 ..lying in kc ako noon, wala nman cla nasabi.. Ako kc non wala pa tlgang lumalabas na milk,kaya pinag.formula ko muna sya..
Sabi bawal po formula sis.. may ibang ospital tlg na pinagbabawal ee pero ung iba pag wala pa gatas at gutom na c baby tinatakas ee para may mapadede ke baby
Ako momshie nagdala ng feeding bottles... gamit na gamit q since wala pa lumabas na milk sakin.. by the way... sa private po ako. Not sure sa public hosp...
Excited to become a mum