Hi mommies, I'm 25 weeks pregnant sa 2nd daughter ko. Sobrang selan ko ngayon magbuntis compared sa first daughter ko. Laging nasakit ang puson ko at balakang. Nainom din ako ng pampakapit. Ilang months na kong nakabed rest or pahinga talaga sa bahay at bihira lang lumabas. Though nakilos naman ako sa bahay. Household chores pero light lang talaga, dahil sobrang concern din ni hubby kasi nga maselan ako magbuntis. Ngayon nagspotting ako nung Dec. 25, lalo tuloy ako pinagbed rest, as in bed rest, todo bantay si hubby sakin at ayaw niya ko pakilusin. Ako naman, as mommy na syempre di din natin maiwasan gumalaw galaw talaga lalo na't may anak kami at ayoko din naman lagi nakahiga. Any tips para maging normal ung delivery ko? Kelan ako magstart maglakad lakad at exercise??