Guilty matulog
Mommies. Ilang oras ba ang makatarungang tulog nating mga ina? Work from home ako. Shift ko ay 4PM to 1AM. minsan, nakakatulog na ako ay 1:30 am or 2AM kasi pinapadede ko pa si baby. Maaga nagigising si baby. Tipong 4:30am or 5am. Si mister ay work from home din (shift ay 6an to 3pm). Masama ba dumaing sa kanya ng tulog? Kung mga 5am ako na ulit mag aalaga kay baby (wala kaming yaya, kami nag aaalaga kay baby) mga 3 and half or 3 hours pa lang tulog ko. Nag away kami dahil dito. Naapektuhan din daw work nya. Idlip idlip lang ginagawa tulog ni baby sa umaga, so kung sasabihin nyo sabayan ko sya ng tulog, negative. Ang sakit lang sa ulo. Please advice naman