Mommies, if you're to choose what would you prefer to follow. Gan'to kasi yun when I was on my 19th week nagpa check up lang ako sa isang private lying-in near my place, so si OB dun binigyan na nya ko ng referral for lab and nag inject na sila sakin ng 1st shot of anti-tetanus plus dun na rin ako bumili ng vitamins na reseta ni doc. After a month dapat babalik ako dun but instead sa center nalang ako dumiretso since napamahal ako sa lying-in na yun and libre lang tetanus and vitamins sa center so just like yung ob sa lying-in, nagbigay din sila saking referral sa same diagnostic clinic pero ibang test yung nakalagay.
Sa ob ko from lying-in, ito yung mga lab na request nya.
Cbc, Bloodtyping, Vdrl , Urinalysis, Hbsag at Pelvic utz while sa center naman ultrasound, cbc at gram stain lang yung hinihingi sakin.
Sa tingin nyo? Is it better if dun nalang ako sa maraming test atleast lahat makikita or dito ako sa konti lang. If sa presyo kasi sa nasa around 1900 lang yung mas maraming test while yung isa nasa 2500 since ang mahal pala ng gram stain na test.
Para kasing mas useful yung test na request sakin ni OB from lying-in since may for hepa, blood type, syphilis tas urinalysis wherein makikita if may UTI ako, pati cbc.
I tried searching about gram stain pero nabasa ko lang na bacteria yung nakikita sa gram stain.
Thank you mommies!