2 Các câu trả lời

Wag ka ma-stress mommy, ako nag-positive sa RT-PCR nung August 10 lang. Double dose ng Vitamin-C, Folic Acid at Biogesic lang ang pinainom saken ni OB. Daily akong nag-aupdate ng temperature at oxygen level sa kanya. Take more fluids at fruits. Pahinga at tulog ang kailangan. Kusa naman po namamatay ang virus, basta importante bawal ma-stress at palakasin ang katawan. 14 weeks na po ako now, nakapag-pacheck up na din at sa awa ni Lord ay okay na okay c baby, ang lakas ng heartbeat nya. Nabigyan na din kami ng clearance ng health department. Nag-positive po kami lahat sa bahay namin. Recovered na din po kami lahat. Ubo at sipon, mainit na pakiramdam pero walang lagnat, yan po mga symptoms namin. 😊🙏 Kaya mo yan mommy, pray lang at kausapin c baby palagi. 😊

Congrats mommy buti po magaling na kayo thank you lord. 🤍 ako naman po no symptoms ako as in okay na okay po ako wala lang po talagang panlasa. nakausap ko na din po si OB vitamin c din po binigay and patuloy lang po sa prenatal vitamins. Sana po tuloy tuloy na paggaling mo mommy 😊

Pag may chance po, contact OB agad, stay hydrated po kahit wala masyado symptoms. Maintain vitamins po. Sabi po hndi makakapasok/mkakakadaan sa placenta ang virus kahit ang covid vaccine. Sa droplets po posible maipasa virus kay baby pagkapanganak sa nabasa ko, though ask professionals po like your OB or physician para po sure. Stay healthy. God bless po mommy🙏🏼

thank you mommy! okay na po nakausap ko na si OB, dinagdagan nya ko ng vitamins and may request na din ako for swab. Lakas ko na din pag fruits. Pinapa observe na lang ako ni OB if may maramdaman ako. So far sobrang likot pa din ni baby maya't maya gutom kaya kahit wala akong panlasa kain ako ng kain. 😊

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan