90 Các câu trả lời
Hi mommy! Sa mga lists mo wala akong nabasa na water, kaya po dapat more on water po lalo na after magpadede kasi nakakadehydrate po ang pagpapadede saating mga mommies. And continue lang po sa pagpapalatch kay baby kasi si baby lang po ang makakatulong saatin para maparami ang supply ng gatas natin. Kung nagpapaunli latch po kayo pero wala pa ring nangyayare, we need to consider kung tama ba ang paglatch niya? Kasi kung unlilatch nga po pero mali ang latch niya wala rin po, ang tendecy sasakit lang ang nipples kasi mali po ang paglatch. Tongue tied ba po si LO mo, kaya nahihirapan siyang maglatch? May mga ganung cases po kasi kaya naapektuhan ang production natin ng milk. If you want to increase your supply, mag-join ka po sa fb group na Breastfeeding Pinays para mas ma-guide po nila kayo kung paano ang tamang pagpapabreastfeed kay baby. 😊 And mommy, tuloy ka lang po sa pagmamalunggay o kaya papaya, wala nang mas makakatalo pa sa mga yan para magkagatas tayo, and of course, drink plenty of water because it really helps, kahit hindi ka masyadong uhaw inom ka pakonte konte. Hope this helps! 😘
Mommy, mas lalong hindi mag improve supply mo pag nag mix feed si baby. I had the same situation when my lo was 4weeks old, iyak sya ng iyak every feeding, super frustrated nako, feeling ko wala syang nakukuhang milk sakin. Nag mix feed sya for a week, pero pi-nush ko ulit na mabalik sya sa EBF. 1 week na iyakan at puyatan..Aside sa mga pampaboost ng milk, support ni hubby ang tumulong sakin. Thank God now my lo is 8 months old still EBF. Tayo lang nag iisip na kulang ang milk natin. Minsan gusto lang pala ni baby ng cuddle, kausap or diff environment para malibang. Unli latch lang talaga ang sagot. More more water, kain ka ng dates, oatmeal and hot coffee or choco ang nag work for me. Goodluck Mommy! Kaya mo yan!😊🙏
Hi wag na mas stress kasi isa yan sa reason bakit mahina mag produce ang milk supply mo continue mo lang pagpapa latch kay baby wag kang susuko kaya mo yan may nakukuha sya akala mo lang wala mommy, massage your breast do power pumping join breastfeeding pinay fb group and look for a supportive environment and most importantly Prayers! ❤️ Good luck mommy! Ako wala ako tinatake na iba dati as in latch lang kami ni baby.. Ngayon nag iipon kasi ako ng stash kaya nag paparami ako ng milk. I drink MQT lactablend, I also do power pumping, nag sesearxch din ng mga do's ans don'ts, more water and food intake with malunggay and with the help of my supportive husband nakakapag ipon na ako ng milk bago mag back to work..
Momshie try nyo po uminom ng mga masasabaw na mainit tpos po hot compress sa suso nyo at try nyo din pong mag kakain ng mga clams o mga nilagang tahong etc nakakadadgdag din un And massage2 nyo po ung breast nyo o piga pigain may lalabas dyan d po pwedeng wala yan ksi sabi nh doctor samin sa 5months pregnancy nag kakaron na ng gatas mga suso natin palatch nyo lng palagi si baby lalabas yan ska tigilan nyo na din po ksi ang coffee ksi d maganda sa breast feeding un
Sa pag kakaalam ko po .. Kaya walang milk na lumalabas sa mommy kse mali minsan ang pag ppa suck kay baby .. Dpat dw buong black sa dede natin ay nassuck nya. Sorry dko alm twag don sa black ntin sa dede bsta un . Pag ok dw ung suck ng baby saka ka mag kaka roon ng mas maraming milk .. Yun po dbe skin ng ob po .. Tas more on water,malunggay and papaya pampagatas po kse un , yun lng po ma ssharre ko sau momshie #respect
Unli latch para maopen ni baby yung clogged ducts sa breast.. then see to it na tama po yung pag latch nya sa inyo.. may video po sa youtube sa tamang paglatch ni baby Kaen din po kayo ng seafoods like tahong.. hindi adviseable ang coffee sa breastfeeding moms, mas okay po ang milo.. Sali po kayo sa BREASTFEEDING PINAYS group sa FB.. madami po kayo matutunan regarding sa tamang pagpapa breastfeed..
Ganyan din ako, 2 weeks palang si baby, wala na ako milk. Natry ko na lahat. Nakaformula cya now. Pero sobrng hirap din naming hinanap ang hiyang nyang milk. Na 7x kaming palit. Now,nok na cya sa gatas nya. Enfamil. Nakakasad lang, gustong gusto ko cya ibreast feed pero wala talagang milk. 2months na si baby
i feel you po huhu
Ako din mamsh ganyan din nkakafrustrate my mga ibang mommy talaga hirap mkapaproduce ng gatas. 2 months lang ako nkaproduce ng milk wla talaga natry ko na lahat ng paraan. Dont pressure yourself hindi nasusukat ang pagging ina kung breastfeed or formula feed si baby as long na malusog siya.
May mga mommies po ksi talaga n hndi masyado nagpo produce ng breastmilk. Yung sakin po lagi may sabaw kinakain ko like nung mga seashells na may papaya luya and dahon ng sili. Grabe po un mgpa produce ng gatas try nyo lg po at ipadede lg sa baby pra bumaba na ung breastmilk nyo.
Try mo po mag ulam ng masabaw, inom ng milo, more water tas try drinking M2 and kain ka oatmeal. Sobrang konti din ng milk supply ko two weeks ago. Tas nung nagtry ako uminom ng M2 at kumain ng oatmeal, kasi gusto ko purr bf si baby. Effective naman, dumami supply ng milk ko talaga.
Pwede na ba inumin yon pag preggy or after mnganak?
Rolly Lagaday