milk for newborn
Mommies halimbawa, wala po kayong breastmilk, automatic po ba nun formula na ipapainom kay baby? Anong gatas po ang bibilhin? Si OB or si pedia po ba ang magsasabi anong gatas ang bibilhin? Please please sana po may sumagot. FTM here. Team August.
Nung pinanganak ko ang baby ko, wala pang nalabas na breastmilk sa akin for the first two days. We stayed at the hospital for 3 days. Kahit unli latch si baby, walang nalabas. So ang ginawa, nag-cup feeding si baby ng donated breastmilk from the hospital's milk bank. Then, on our 3rd day sa hospital nagkaroon na ako ng breast milk. Unli dede na siya ever since. Hehe. Don't worry. As per my OB, normal daw na minsan 2-3 days pa after manganak lumalabas ang breast milk ng mga momshies. ❤💚💙
Đọc thêmMay gatas po tayo mommy, wag panghinaan agad ng loob. Noong unang panahon hindi pa uso ang formula milk kasi mga breastfeeding advocate pa halos mga hospital at clinic. You may want to read this article din po, https://ph.theasianparent.com/unang-tulo-ng-gatas Ikaapat na araw pa ako bago nagkavisible sa mata ko ang gatas pero during those days na akala ko wala, is meron pala. Hanggang may output si baby pupu/ihi, meron syang nakukuha sayo. Good luck! 💖
Đọc thêmDont assume na wala kang milk. Ako pinapadede ko lang nun si baby for 3 days. Sa ika fourth day tsaka ko pa lang nafeel yung paninigas ng boobs ko. So hindi ko alam kelan talaga ako nagkamilk. Hindi siya nag formula. However, when i had mastitis, nag mix feed kami. I used enfamil a+. I told my pedia if pwede yun, sabi naman niya okay daw. Hiyang si baby so i continued it. Nung gumaling ako sa mastitis (i had it twice by the way) balik kami sa breastmilk.
Đọc thêmMommy ipadede mo lang yung suso mo kahit feel mo wala siya nadedede. Ganyan din po ako nun FTM wala po talaga nalabas sakin kahit pigain ko pero pinadede ko lang po ng pinadede after 1 day ng makapanganak ako nagkaroon din ako ng gatas basta higop ka agad ng sabaw pagka panganak mo tas more on water ka lang ganun ginawa ko
Đọc thêmBawal din po sa Hospital or Lying clinic Ang mga feeding bottles at formula milk mommy. kaya yung iba patago sila magtimpla pero bawal. Ipapalatch mo lang po Kay baby mo magkakagatas ka rin po.
pag labas ni baby if wala kayong milk tutulungan kayo po ng experts sa breastfeeding pero wala parin ang doctor po ang mag sasabi na formula milk kayo.....
Mommy wag mo isipin na wala kang gatas. Mas okay ang breastmilk mommy masustansya at yun lang din ang magandang bonding ninyo ni lo.😊
Paglabas po ng baby may pedia na dapat sya. Ang pedia po ang magsasabi.
Thank you so much mga mommies.