Advise please, buhay may asawa

Hi mommies, gusto ko lang magrant and if what I'm feeling is valid. I'm 8mts preggy, si hubby is working. Sa field sya coz he's an engineer. I also used to work full time, nagstop lang ako nung around 5mts preggy. Nasa bahay nalang ako, walang kasama and trying to make myself useful around the house and magfreelance for limited hrs lang naman. But because wala na kong stable income, si hubby talaga nagpoprovide ng everything, yung kinikita ko from freelancing is for my own bills and pinangbibili ko din ng baby needs. Wala naman syang hanash pagdating sa expenses. Lately lang, di ko alam kung inaanxiety ako, naiinggit, or naiinis kay hubby. Kasi sya nakaka labas, pwede maginom (work and leisure) hindi ko naman binabawalan. But sometimes I feel down kasi mag-isa lang ako sa bahay, the time I could talk to him is gabi lang pag uwi nya but by that time antok na ko alam nyo naman pag buntis tapos pasok nya maagang maaga. We chat naman but syempre iba yung kausap mo asawa mo. Sometimes there are things na nalilimutan nya pala sabihin saken, kala nya nasabi na nya. Or like ako pa mag ask ng details sino kasama sa ganto ganyan, san sila iinom, ano hotel nyo (work), mga details dapat kusa naman sabihin nya sakin kasi asawa nya ko. Pag andito naman sya sa bahay, updated sya magchat sa gc ng mga friends nya (kilala ko naman), when I compare it hindi naman kami ganun kadalas nga magchat. Nahihiya pa ko imessage sya minsan kasi busy sya sa work. Ayaw ko pa sabihin sa kanya what I feel kasi parang hindi valid baka feeling nagiinarte lang ako. Meron ba ditong ganito din? #advicepls

8 Các câu trả lời

I also worked before, now bahay nalang kasi medyo high risk ung pregnancy ko kaya we opted na mag resign ako, sa ospital kasi ako kaya risky din. nung umpisa ok lang talaga na naiiwan ako mag isa sa bahay kasi taong bahay naman ako to begin with. kasama ko lang 4 cats. pero since dala din yata ng hormones and also sanay ng working, nagkaganyan dn ako mommy. one time bigla nalang ako nag burst, nagulat dn si husband, sinabi ko lahat. sbi ko naiinggit ako kasi cats lang nakakausap ko dito sa bahay. good thing sobrang patient si husband and considerate, nag sorry sya and mas lalo nya ko inuupdate ngayon kapag nasa work sya. for me mommy, try mo tell ky husband kasi sabi ni husband pag daw may di ok saken sabihin ko agad para maayos nya agad. totoo nga naman kasi kapag stress si mommy, ma stress din si baby sa tummy..

it could just be ur hormones speaking. mataas anxiety level natin ard this time lalo na pag wala makausap. kaya ako lumipat sa bahay nila mama ko habang preggy kasi ayoko dn magisa sa bahay lagi. it helps pag may kakwentuhan. try to reconnect with friends then usap dn kau ni hubby to set ur time. kami ni hubby every weekend is me and him time. ur hubby is ur lifetime partner so open up ur feelings lagi.

ako feeling ko valid naman yung nararamdaman mo kasi bilang tao nakararamdam tayo ng mga insecurities ket pa sa mismong asawa natin.. actually ganan din ako minsan pero ako kapag nakararamdam ako ng ganun sinasabi ko agad sa kanya para alam niya.. Naiintindihan niya naman ako at nag eexplain naman siya ng maayos at humihingi ng despensa kapag nakararamdam ako ng ganun del sa mga ginagawa niya

Ganyan din si hubby. Pero naisip ko na baka dala lang ng pagbubuntis kaya mejo sensitive ako. Minsan I ask him pa na umuwi sa bahay kapag break nila kasi malapit lang naman para may kasama ako maglunch (dalawa lang kami sa bahay kasi) Pero kapag dumadalaw naman kapatid at mama ko sa work ko na siya pinaglulunch. Parte naman siguro ng pagbubuntis yan sis.

valid naman po ang nararamdaman nyo. kausapin nyo si hubby kase ang mga lalaki di marunong bumasa yan eh. akala nila walang issue. +1 sa taas na mag set kayo ng day e.g saturday na bonding nyo. ipagluto mo rin sya para agahan nya umuwi. kelangan nya rin ng social life, pang destress sa work nya at siguro sinusulit na nya bago lumabas si baby

Valid naman po na sabihin mo sa husband mo pero in a nice way para di niya isipan ng masama. Pero feeling ko po kaya ganyan nafifeel mo dahil sa buntis ka plus nasa bahay ka lang. Ganyan kasi ako minsan pero naiisip ko pg nagwowork naman ako kulang na lang wala akong pake sa kanya. Pero pag nasa bahay siya lang napapansin mo.

ako din, I also worked before. And I'm frustrated kasi wala akong income at all, and we need to adjust 😢 especially ako na sanay ako na may sariling pera 😶 sanay magtrabaho ng gabi 😔anyways, much better mag open up kayo sa isa't isa. I'm sure mag aadjust kayo sa set up na yan 🤗

VIP Member

Hello. I think wala kang social life and you're lonely kasi magisa ka lang lagi sa bahay tapos hindi mo pa makausap ng mabuti asawa mo dahil busy siya lagi sa work. Valid for me and you should talk about this with your husband. Mag set kayo ng araw or time para makapag bonding or catch up.

Câu hỏi phổ biến