1 Các câu trả lời

VIP Member

Hello. Kapag nangagat po si baby, ingudngud mo ng bahagya, bibitaw yan. Pero hindi ko napansin or alam kung may favorite nipple yung anak ko, basta ganon lang ginagawa ko para bumitaw siya. Speaking of ngipin. Masakit talaga as in. Tapos kapag pinang-gigilan ka pa, ay! Nakaka-trauma sa sakit 🤣 Stop na ako mag breast feed sa 2 yrs old ko, nakakatakot na mga ngipin niya. Pinapadede ko lang siya minsan kapag nakita niyang wala akong damit, kawawa kasi 😅 yayakap, sabay ngudngud or amoy sa dede ko, tapos pretend drink, minsan pretend pa na kinakain niya, kukuhain kunwari sabay subo ng imaginary pagkaing dede haha! Pero kapag nakadede siya saglit, satisfied na siya sasabihin niya "all done" na siya haha.

Câu hỏi phổ biến