Nipple na mahilig kagatin ni baby
Hi mommies! Ftm po ako. Nacucurious lang ako sa mga breastfeeding mommies na gaya ko kung yung mga baby nyo po ba may favorite ding kagatin na nipple? In my case ung left side lagi ang kinakagat nya to the point na parang matatanggal na sa sakit haha. Di naman sya ganito pag sa right boob ko sya nakalatch. Nirerelease nya magisa ung nipple ko doon pero sa left alam ko lang na tapos na sya magdede pag kinagat na nya ako. 😅 Btw, going 4 months pa lang si baby. Gilagid pa lang pero masakit na. Kinakabahan tuloy ako pag nagkangipin na sya. 😅