6 Các câu trả lời

Naka baru baruan baby ko nung newborn, ang dami kong binili pero hindi lahat nasuot at mabilis lang nagamit. Nung nag 1 month sya sinusuotan ko na ng onesie, yung mga damit ng baby ko na kasya sa kanya nung 3 months sya kasya pa rin hanggang ngayon na nag 10 months old sya

Onesie sa morning and frogsuit sa gabi. As a 2nd time mom wala na ko balak bumili ng mga baru-baruan direcho onesie, frogsuit and terno na ko. Sayang lang mga baru-baruan, ang mamahal pa naman tas 1-2 weeks lang din magagamit.

TapFluencer

Hello, sa 1st week nakabaru baruan si baby ko nun shorts sa morning then pajama sa gabi. by 2nd month onwards nkaonesie na sya sa morning at frogsuit sa gabi. until now na 4months old ganun pa rin. depende rin sa kung ano ang panahon. :)

Hello, nagswaddle kami ng 1 week lang kasi napansin kong ayaw ni baby ko ng nakaswaddle sya, iritable unlike sa di nakaswaddle masarap tulog nya. if youll do swaddling po sa gabi, make sure na malamig din ang room.para di magoverheat si baby :)

Konti lang po bilhin nyong barubaruan, kasi 1-2 weeks or 1month mo lang sya magagamit, sa onesies ang mas gamit at matagal na magagamit, ung frogsuit mabilis lng liitan kaya ideal kung konti lang nun

Yung sakin siguro tig-10 pcs na onesies at jumpsuit binili ko tapos pantulog yung jumpsuit. Tsak ko nalang dagdagan mga damit niya pag kinulang kase sabi mabilis daw lumaki ang newborn.

Thank you po!

Pag umaga yung sando and shorts na kasama sa barubaruan. Pag gabi yung long sleeve and pajama na kasama

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan