24 Các câu trả lời

Mommy unahin niyo pakasal😊 since andyan na ang 3 regalo sainyo (3kids) kung tight budget ("kung" lang naman wag masamain) mas practical ang civil wedding or kung gusto talaga may basbas ng simbahan intimate wedding or kasalan ng bayan.. Sa panahon ngayon kelangan practical po lalo na pandemic naman kung di man bongga pwede na segway kasi pandemic kaya di mainvite ang lahat ng kamag anak.. 😊 Ang focus ngayon kasi ay hindi lang para sa inyo mag asawa kundi sa lumalaking pamilya nyo po😊 mas maganda bumukod na kayo.. Importante may ipon kayo para sa mga kids at saka kayo kumuha ng bahay.. Yung kaya nyo lang po halaga.. Kung may pag-ibig pwede kayo mag rent to own.. Kwento ko lang sa amin mag asawa 26yo nagpakasal kami.. Yun inuna namin church wedding.. Tapos nag anak kagad (honeymoon baby) pero nakatira kami sa house ng parents ko since unica hija lang ako.. narealize ko nun sana nagpakapraktikal nalang kami simpleng kasal lang at pinang down nalang ng bahay yun nagastos namin..😅 After 6years nagka 2nd baby kami kasabay ng turn over ng bagong bahay namin..

TapFluencer

you can do both actually. no need for engrandeng kasal. sa simbahan po kahit isang pares lang ng witnesses okay na. pati yata sa hues. kahit wag na maghanda, sa susunod na lang. sa bahay nyo na lang po ilaan ang mas malaking parte ng budget nyo. sabi nila minsan ka lang ikakasal, oo sa minsan lang sa isang tao. pero pwede naman parenew. un din balak namin magasawa. sa renewal na lang namin bobonggahan lalo na kinasal kami may pandemic. 😊

kami nga civil wedding tas kan sa labas. less pagod pa. naranasan ko ung kasal ng kapatid ko at hussle n pagord pa ang mga ferson😁 sa civil weding namin kulang kulang 5k lang nagastos namin tas nabalik pa ng mga ninang namin😁 so ending parang libre lang ung kasal 🤣🤣 mindset ba mindset🤣🤣

choose bahay mi, hirap mkitira Lalo nat lumalaki na Ang pamilya ..anjan lang namn ung kasal eh, mas mabuti ang may sariling bahay dahil mggwa mo lahat ng gusto m,,kng kasal pipiliin mo, after that wala na anjan ka prin nkikitira..oo nga kasal kayo pero parang walang peace of mind..

You can do both po. Pwede naman kaung magpakasal sa civil tapos reception sa restau na. Wag na maghanda or gumastos ng malaki. Just intimate, between you, your family and your husband's family. Para ung budget nyo mailaan nyo para sa bahay nyo po mie.

pwede din naman un mie. as long as maikasal po kayo. kami nga ni Mister naikasal ng walang handa o anuman. Sumali kasi kami sa Mass Wedding nung Feb 14..kaso sa kasamaang palad namatay lolo ko. Kaya hindi kami naka attend ng sarili naming kasal. Pumirma nalang po kami sa Marriage Certificate namin with the help of our Brgy Captain po.

Pwede naman both. Same sa case namin ni hubby. Civil wedding iyong ginawa namin. Wala ring engrandeng handa. Saka na lang kami mag church wedding kapag nakapag ipon na po. May bahay na rin kami na unti unti naming nagawa every may sahod o bonus.

kmi sis intimate wedding lang since may anak na kami, Dhil priority namin matapos ung bahay namin kaya wlang grand wedding. Ang kasal 1 day lang yan pero ung bahay namin forever yun. Dun kami bubuo lahat ng pangarap namin at memories as family.

bahay po kht upa lang bsta naka bukod kayo lalo na kunh ayaw nyo ng may nakikialam sa inyong pamilya o sa way na pagpapalaki mo sa mga anak mo. Then to follow ang kasal. No need ng bonggang kasal...uso na ang civil wedding ngayon mas tipid un.

Depende po yan sa budget and capacity ninyo para humiwalay. Kung ok naman kyo ng mga ksama nio sa bahay no prob cguro. If you have privacy issues then go. Pero ang concern ko tlga ay anonymous ka but u posted pics of your minor children hehe

actually po nasa inyo din po yun kung gusto nyo napong bumokod na kasi tatlo napo ang mga kiddos ..tsaka iba parin po yung nakakapag pundar kayo ng sarili nyong bahay habang dipa po masyadong malaki yung expenses ng mga kiddos ..

Dapat maipa intindi nyo po sa partner nyo po kung gaano ka halaga ang magka roon ng sarili ..Mas don mag grogrow kayo as a family ..Me mga bagay kasi na limitado pag nakitira lang kayo ..Depende rin kasi yun po sa situasyon nyo at sa tinitirahan nyo ..kausapin nyo po nalang partner nyo po kung bakit ayaw nya at tingnan nyo po kung yung maging sagot nya e valid po ba

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan