70 Các câu trả lời

VIP Member

Mummy, ginawa ko sa akin never na ako naglagay ng kahit ano sa kili kili lalo na yung may madaming halong chemicals (rexona etc.) if pregnant ka po, my leave it na lang. Pag di naman umaamoy armpit mo, wag mo na lang lagyan ng kung ano ano. Leave it na lng na walang nilalagay or if uncomfortable ka, rub it with calamansi or lemon juice then let it dry. It whitens and at the same time mabango din. then pag maliligo ka, mag sugar scrub ka. Twice or every other day mo. Coconut oil and brown sugar na yung malaking granules. 1 is to 2 ratio, 1 tsp sugar to 2 tsps virgin coconut oil. Pwede ka rin add ng lemon/calamansi juice. Gawin mo na lang 1 tsp VCO then 1tsp juice add mo sa sugar. Madami uses din nyan my. Pwede sa singit at sa lips. :) pero it doesn't whiten overnight my ha. :) tiis tiis ka talaga. Tsaka light scrub lang baka magkasugat ka. 😅 I prefer waxing, my. Hindi naman siya masakit then may nabibili ka naman cold or hot wax. I suggest use cold wax kasi pag warm wax use mo mas iitim gawa ng heat. :) sa akin kasi pinalaser ko na siya at wala na tumutubo. :) go organic my ha. Don't use too much chemicals kasi yan nakaka itim lalo. :)

Preggy po ba kayo? Kung oo, normal lang po yan. Puputi din po yan after niyo manganak. Kung hindi naman po, wag niyo po iscrub ng todo or araw araw dahil nagagasgas yung skin natin sa kilikili. Okay lang po magscrub siguro twice a week. Kung nasa bahay lang po kayo, wag na po kayo magdeodorant o kaya kahit every other day po kayo maglagqy pra makahinga yung kilikili niyo po sa mga chemicals ng deo. Mas okay din po na wag bunutin or shave kasi magkakachicken skin po yan at magagagas din. Hayaan niyo lang po tumubo tapos wax na lang po mas maganda. Try niyo po yung salt scrub na bonne, twice a week po ako nagscruscrub nun then gumagamit din po ako ng ryx skincerity na underarm cream. Effective naman po siya sakin pero syempre depende pa din po sa inyo kung bibili po kayo nyan :) di po ako expert pero effective po sakin yan lalo na after ko manganak :) umiitim din po kilikili ko sa rexona kaya mas prefer ko talaga dove na deo.

Ako naman. Waxing ang cause kung bakit maitim underarm ko

If humahapdi na, ibig sabihin may sugat na yan. Don’t make it worse by shaving or plucking. Antayin mong maging maayos ulit bago mo gawin yang mga yan. Avoid putting harsh products din. Wag maglagay ng kung ano anong products na makikita mo lang online, baka magworsen lang. Also, I do not suggest applying kalamansi since acid yun at mas nakakaitim pa. Your best bet is to see a derma, or kung wala kang time, invest sa gentle na sabon such as Cetaphil or Physiogel. Wag mo na muna gamitan ng kung ano ano. Mas ma-stress skin mo nyan.

Mommy meron pong tawas na parang deodorant sa Watson deonat po ung brand name binabasa po sya konti ng tubig bago gamitin or meron din po silang waterbase nun and super effective po un until now 30weeks ako di nmn gaano umitim ung armpit ko mejo lng hahahaha. Yung mga deodorant po kse tlga na like rexona may chemical po na nagpapatigil mag sweat ng armpit kaya nakakaitim gamit ka na lng po nun if lalabas or may pupuntahan ka pero pag sa bahay lng nmn po deonat or much better wag na tapos suot po kayo ng maluwag na damit 😊😊

sorry , mommy, diko maimagine kaagad. leki pala. haha, anyway po you can use lemon po natural, 3times a week o 4times a week, lagay niyo nalang siya sa spray bottle para ma ref niyo pigain niyo lang then go hintay lang ng result wag madaliin kasi di naman agad eeffect, pwede din po ang baby oil yung green apply lang every time bago ka maligo i rub kolang yun gamit bulak mga gnon lang po. hintay po kayo ng 3months siguro kasi masiyado napo nangapal stop din sa mga rexona, kung mahapdi itigil ang tawas hintayin mag hilom.

minsan lang ako magbunot since nasa bahay lang naman, di bale nang makapal o humaba ng ilang linggo. di rin ako nagamit ng any deodorant kasi nakakaitim lang din talaga kahit sabihin na for whitening sya. milku gamit namin ng partner ko. pumuti kili kili namin magpartner dun, kaso nitong buntis ako umitim din talaga sya. ipahinga nyo rin po minsan sa kung anong product yung ginagamit nyo. as much as possible pagnalabas lang or pag di nyo na take yung amoy gawa nang naiiritate yung skin

VIP Member

mas recommended ang wax kesa sa shave at pluck/bunot. after magtanggal ng hair, wag agad babasain. sabi ng mga matanda, dapat hugasan, ganyan din tinuro sakin kaya ang panget ng kilikili ko noon hahahaha! but no, after 4hrs ang recommended na hugasan with water after waxing. tawas ay hindi rin po pampaputi, for bad odor po yun. then never scrub too hard sa kilikili, it causes friction sa skin so all the more na iitim sya. use a light deo lang like dove or nivea.

VIP Member

Buntis po ba kayo? Maia-advice ko lang po na pagpahingahin niyo po muna yung balat niyo sa kili-kili. Wag po muna kayong maglalalagay ng kung ano-ano, kung may amoy hugasan na lang po mas safe option. Sa buhok naman mas maganda na wax, kasi kapag bunot may maiiwan pa dahil minsan napuputol yung buhok tapos magchi-chicken skin, kapag shave ganon din naiiwan yung buhok tapos may friction kaya mas lalong umi-itim.

VIP Member

mommy 15 minutes bago ka maligo apply ka ng Johnson baby oil yung color green(aloevera) sa cotton yun po pang linis nyo...pag naligo kayo make sure na wala nang matitira na oil kasi pag may naiwan mainit baka mangati ka at lalo umitim.. tapos sa gabi gamit ka ng aloevera gel wag ka muna mag deodorant nakakaitim lalo yun..

Kasi sis, If wala ako gamitin, Nangangasim sya.

VIP Member

Hi momsh, scion whitening deodorant gamitin mo very safe specially even pregnant or lactating. Before scion na talaga ginagamit ko pero nagbuntis ako as in madilim Talaga after ko manganganak scion whitening deodorant parin ito nag light na underarm ko.. very light scent maganda sis try mo lang

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan