Baby Names
Hi Mommies! Curious lang ako kung pano nyo naisipan ang pinangalan nyo sa baby nyo. ? Pakicomment na din name ng baby nyo ?
Reign Elisha meaning "To rule, My God is Salvation." Reign- ( to rule) kasi gusto sa side ko si baby ko una apo na babae gusto ko may princess name nya pero ayaw ko n literal princess na word gamitin ko common na kasi. Sa side ng husband ko lahat ng pamangkin nya nag start sa letter R. Kaya naisip ko REIGN halos ka meaning ng princess tapos letter R simula niya. Elisha- ( My God is Salvation.) Almost 3 years nmin pinagdasal na magkababy na kami ng husband ko lalo na sa age nya 39na siya last year at 28. Dumating ako sa point na weekly ako nagsisindi ng kandila sa Redemptorist Church palaging kasama yan sa dasal ko. Husband since religous siya every night before bedtime nagdadasal siya kasama nman yan sa dasal niya. Then May 2019 last year all our prayers was answered. Our baby girl is the living proof of our FAITH kaya yan binigay ko na name as we choose that God is our salvation
Đọc thêmmay story behind sa name ng baby ko na si elliana ruth. nung bata(10yrs old palang ata ako) ako after ko umattend ng sat. class sa church namin inutusan ako ni mama na bumili sa palengke ng paninda nmin sa sari sari store. ee syempre bata maligalig nawala ko ung pera na pambili habang natakbo ako nahulog ko ata ung barya.. so ako takot na takot kc for sure palo ako nito sa sobrang takot ko nag pray nlng ako sabi ko sa prayer ko pag nakita ko lord ung 10 pesos na nawawala ipapangalan ko sa magiging unang anak ko ay ruth. si ruth kc ung last topic nmin sa bibles study that day. which means prayerful woman and beautiful companion. at pagkamulat na pagkamulat ng mata ko nakakagulat na nasa harap ko lng pala ung 10 pesos. kaya eto elliana ruth yung name ng first baby ko. elliana means God answered my prayer and ruth is beautiful companion
Đọc thêmlahat ng boys sa side ni hubby Christian ang second name. my hubby's name is Ryan. Yung eldest namin is Ryle Christian (combination ng name namin) 2nd born is Rhys Christian kasi gusto nyang R din nagsisimula ang name 😁😂 Rhys pronounced ad Ris na nakuha ko sa isang novel ni Sidney Sheldon, bidang lalaki sya dun hehe yung youngest namin nahirapan kami sa name kasi I've always wanted to name my baby girl Anja Belle. Anja pronounced as Anya means Blessing and Belle means beautiful. Beautiful Blessing. But, were looking for a four letter name that starts with R. very common lang alam namin. So one day nung bigla nyang sinabi na gawin nya na lang Jr. yung princessa namin di ako pumayag at napaisip ako out of nowhere.. I blurted out Ryna Belle (pronounced as Ryna) para nya na rin nyang Jr. but minispell lang name nya hehehe
Đọc thêmMy first name is Zyra and my husband's name is Gilbert. I used our Initials to be my basis on creating our baby boy's Name. And then I also want my son's name based on hebrew or Arabic with significant meaning. So I created ZAVIAN (Origin: Arabic, Meaning: New light) GABBE (Derived from Gabriel, Origin: Hebrew, Meaning: God is my Strength) and I added BENJ for the third name of my son because both of my Husband and I have grandfather which is named Benjamine. (Origin: Hebrew, Meaning: Son of my right hand). I know it is to long for a boy's name, pero ito yung naging outcome. 😊
Đọc thêmSa first born ko.. My hubby is a gamer. Yung nilalaro nyang character dun nya kinuha first name ng anak namin.. Second name naman angel's name.. BLESS URIELL po name nya. Sa second child nmn namin.. I'm a movie lover, first name nya kinuha ko sa nagustuhan kong movie . Mejo may pagka brutal yung movie haha action kasi (even sa panganay ko brutal din yung character na kinuhanan nmin ng name) tas second name po angel's name din. CATALEYA UZZIEL naman sa second child namin.. Bale may similarity pa din ☺️☺️
Đọc thêmNakakatawa lang kasi sa 9months, wala kaming maisip na name sa kanila then pagbigay ng birth certificate after panganak random lang na pinangalan ng daddy nila ang names nila taz sinisearch ko muna ang meaning bago mag agree 😁 Lucas po name ng boy namin which means "bringer of light" taz yung girl naman po is Bianca which means "white/ shining" .. Both po is related sa bright and light then 1 name each lang kasi ayaw din namin yung masyadong maarte 😊
Đọc thêmBago pa namen malaman gender ni baby may pang girl na siyang name na sinabe sken and nag kasundo Naman kame agad since Yun din Yung name na gusto ko . Safiyah Zafra name ni baby girl namen Safiyah Yung gusto namen prehas nagkataon na same kame Ng gusto 😅Nagulat pa nga ko e kase gustong gusto ko Yung name na Yun haha😂 then Yung Zafra Ewan ko Kung San Niya nakuha Yan . Sabe lang Niya prang gusto daw Niya Yung name na Yan 😂
Đọc thêmEL EZEQUIEL - (El) from el niño. march sya pinanganak and that month was declared na me el niño. (Ezequiel) from the bible. FREYA - Norse goddess of love ERYX FLINN - (Eryx) is the son of Poseidon and Aphrodite. (Flinn) meaning son of a red head..red hair kasi ako noon kaya ganun. E ang start ng name ng boy same ng Father - Evilio F ang start ng name mg girl pra same sa akin - Fem Ung last baby namin combination E and F..
Đọc thêmThobias Malkiel. Ewan kung may maniniwala pero nung na mention ng husband ko ang name na Tobias biglang likot naman ng baby ko nung nasa tyan ko pa sya and kaya Tobias kasi crush ko ung bidang lalaki sa Divergent na si four which is tobias ang real name nia dun sa movie. Nilagyan ko lang ng H ang name nia kasi ako at si hubby parehong may H sa first name. Thobias Malkiel means God is my king. Chuckie/Lheslie/Thobias 😊
Đọc thêmmadami akong naisip na name para sa baby ko mostly for boys akala ko kasi boy si baby hahah my first choice was Jose because her father's name is Jose then naging Joethird tapos naging Josue Levi tapos yung last bet ko na talaga is Primo Yosef but nung nag pa ultrasound na kami girl sya sabi ko before ako nabuntis nun pag girl lalagyan ko ng Maria yung name so I decided na Maria Jove so my baby's name is Maria Jove ❤
Đọc thêm
Preggers