My baby girl is with papa God

Hello mommies... It's been a while since my last activity sa Asian Parent app. Gusto ko lang ishare yung nangyari sakin habang wala ako sa app na 'to. I gave birth last March 5 2021.. Prior to this, schedule ko ng check up sa isa pang oby last March 1 2021.. Pero duon namin nalaman ng asawa ko na wala ng heartbeat si baby... 😢Ang dapat sana na check up nauwi sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay namin mag asawa. Nung nakita ko ang kalagayan ni baby, head, bones, face, hands all seemed to be fine... Until pagdating sa heartbeat I saw flatline na si baby.. Kinakalma ko ang sarili ko nun at pilit na kinokontrol ang emosyon ko dahil mag bebreakdown na sana ako, paglabas namin sa room, nakaupo kami parehas, tahimik akong nakatitig sa kanya at maluha luha na ako.. 😢 Nung iniabot na sakin ng sonologist ang results ayaw ko pa sanang buksan pero nakita ko ang anino ng mga numero na 0. Kaya binukas ko na ito pagkasakay namin sa tricycle dun na ako napaiyak ng husto... Wala na nga talaga si baby.. Umuwi kami sa bahay ng luhaan.. Ang dami kong katanungan.. Bakit nangyari ang lahat ng yun... Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari samin dahil sa kapabayaan ko.. Hanggang ngayon nasa process pa rin ako ng healing.. Ang hindi ko lang din matanggap ay ang sinabi ng midwife sakin nang ipanganak ko si baby na hindi raw fully developed and skull ni baby... Please, If meron pong marunong na magbasa ng ultrasound or sonologist or oby rito pakitingnan naman po ito. And please tell me if may kakaiba ba talaga... 😢😢 #firstbaby #pleasehelp

My baby girl is with papa God
27 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

wag niyo poh sisisihin sarili niyo po kasi my mga bagay na mhirap explain at dami niyo question bkit ngka ganon.. pero my mas higit na nakaka alam sa lahat ang Diyos..! kaya wag mawalan ng pag asa mommy, lagi lang po dasal...