milk vs coffee
Hi mommies, ask lang po if may side effects ba ang coffee.. Kahit anong milk hindi talaga nagugustuhan ng panlasa ko, sinusuka ko lang after ko uminom. Sa kape lang talaga ako nasasarapan. Thank you
Hindi talaga maganda ang kape sa buntis kahit sang anggulo mo tignan, try mo manuod nang YouTube kung ano magiging side effects nang caffeine sa bata. Kung buntis ka kakayanin mo lahat lalo pag sa kapakanan ng anak mo. Pero kung itotolerate mo pgkakape mo, baby mo mag susuffer.
Naku mommy bawal talaga ang kape, ako nga kahit anong bango sa pang amoy ko ung kape pinipigilan ko talagang ndi mag kape kse para kay baby may side effect kse yan. And yung milk need tlaga uminom pilitin wag isuka kse para kay baby yun😊
Okay lang dw po ang coffee bsta not morethan 1 cup a day . Mas okay kung decaf kasi caffeine lang nman ang iniiwasan sa kape 👍
Ako din momsh mahilig din ako sa kape, kaso ako mismo tinigil ko nung nalaman kong preggy ako. Mahirap na. Naghanap nalang ako ng lasang kape na pang preggy. Yung Anmum na Mocha Latte masarap sya. Try nyo po baka pumasa sa panlasa ninyo
ako moms uminom mnsan ng 3in1..ok nmn pero nilabas ko din. Ayaw yta ni baby hehe kya dq n inult
Chocomilk nalang inumin mo sis. Or siguro haluan mo ng konting flavor ng coffee ung milk mo.
Pwde po bsta 1 cup lang cgro at decaf nlng sis. Caffeine lng nman ang masama pag too much
Ako dati ung gatas q minsan nilalagyan q kunting kape. Para dq malasahan ung purong gatas
Pwede naman po mag coffee pero decaf. Alam ko masama ang caffeine para sa utak ng baby.
Anmum mocha latte mamsh lasang kape. At least maternal milk po yun kesa coffee talaga
Mgchoco ka nlng. Momshie.. Yung buntis ako ayoko ng milk.. Ang pangit ng lasa tlga..