20 Các câu trả lời
try niyo po yung Baby flo na petroleum jelly. Yun po kasi ginagamit ko pag may rashes baby ko and Niresetahan ako ng calmoseptine di ko Rin hiyang sa anak ko. nasa Baby talaga kung ano hiyang Nila . hehehe. pero try niyo po yun. lalo yung Amoy Niya powder . Maganda at mabango
pacheck up mo po si baby sa pedia nya, baka di sya hiyang sa cetaphil. ganyan din yung nangyre sa baby ko. baby flo oath bath yung gamit nyang sabon tapos yung lotion nya aveeno na pang baby.. pacheck up mo po sya mommy pra gumaling n yan
masyado pong matapang ang ceraphil sa new born skin . it shows naman po na sensitive si baby so discontinue na po ang gamit and to bring the smoothness of the skin use lactacyd blue eto ung prescription ng pedia sa baby ko
if breastfeed po check nyo ang kinakain nyo baka nagkaallergy si baby, banlawan maigi ang damit ni baby at patuyuin sa araw walang zonrox at fabcon if mainit pasuutin ng presko si baby. Paarawan din sa umaga.
Try breastmilk, lagyan nyo po yung rashes nya. Try switching to other baby wash too. Dove Baby gamit ni LO namin. If di pa rin maglessen ang rashes after 24-48 hours, consult the pedia na po.
palitan niyo po brand ng ginagamit na powder sa Damit ni baby palit po kayo ng mild like perla. Or kaya di nya hiyang Cetaphil. Kung pure breastfeed ka namn po iwasan mo kumain ng malalansa
Change bath ka sis hindi hiyang si lo mo jan try mo to Tinybuds rice baby bath mabango and malambot din sa skin ni lo☺️ #provensafe
try mo yung cetaphil cleanser hindi yung cetaphil pangbaby, kasi dun nahiyang yung baby ko dami din rashes sa awa ng diyos nawala na.
ano po gamot ginamit nyo para mawala rashes ni baby nyo? parang same din sa baby ko pero sa pwet at harapan sya nagkaroon.
Try mo. Baby dove or lactacyd baby mumsh ako ngtry2 lng ako NG ibat ibng soap until mgsettle sya s baby dove po
Anonymous