rotavirus and pcv

Hello mommies ask ko lang po sino dito naka experience na libre sa health center nila ang rotavirus at pcv? June 8 kasi ang checkup ng 2mos old baby ko schedule din ng rotavirus and pcv naginquire ako sa health center namin kanina nagbakasakali ako kung libre ang rota at pcv hindi daw, inoffer sa akin yung midwife daw may inoorderan ng vaccine tutal malapit daw kami sa health center puntahan daw ako sa bahay at pwede sa bahay turukan si baby. Need daw muna orderin ang vaccine at cash basis ito rotavirus 3700 at pcv 3000 kinompare ko sa price ng pedia ng anak ko naka save ako ng 1,300. Sabi ng husband ko sa pedia na lang para safe, hingi sana ako advise kung igrab ko na po ba yung sa midwife or sa pedia ko na lang ipagawa? Thank you.

5 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Dito sa amin sa Davao, libre po sa health center ang pcv... Pero ang rotavirus Hindi, so sa pedia ako ngpavaccine for my baby.. 3 shots yan sis ipainom yan kay if 2 ,4 and 6 mos which is 2750/shots... May 2 shots Lang din 3500/shot.. Then I choose 3 shots kasi pentavalent sya..

6y trước

Ang galing talaga sa davao, sana buong pilipinas ganyan. thanks momshie!

i agree po kay husband mo sis. investment ang vaccines para kay baby. sa pedia nalang para sure and safe kaysa nakasave nga pero may doubt ka kung ok yung ituturok. wag na panghinayangan kung para sa ikabubuti ni baby. 😊

6y trước

Pina immunized na namin si baby kanina sa pedia nya.😊

Thành viên VIP

Pedia na lang licensed at sure pa, yung mag offer sayo bkit kasi sa bhay pa parang mag duda ka tuloy bkit di ipakita or sa center gawin parang ginawang sideline na dapat libre.

6y trước

Korek momshie, yan din sabi ng husband ko.

Pedia na lang mommy para safer. Hindi talaga siya kasama sa mga libreng vaccine kasi pricey siya.

6y trước

True momshie, thank you!

Thành viên VIP

Its always safe sa pedia mommy

6y trước

Thanks momshie! Pina immunized namin sa pedia si lo kanina.😊