17 Các câu trả lời
Paano mo nasasabing bitin siya o konti lang milk mo? Konti lang ba ang poop at pee? After 1 hr latching, gusto uli dumede? Edi ipalatch lang po uli. Normal po sa newborns ang maglatch halos 24/7. HINDI po ito senyales na gutom pa siya o kinukulangan. Breastfeeding is not just about food...it is liquid love and comfort. YOU are comfort for baby. baby needs to be breastfed and be close to you. The healing and nourishing touch of breastfeeding skin to skin works wonders for baby. This is called KMC (kangaroo mother care)...breastfeed na nakahubad si baby at naka diaper lang and bare-chested ka. Wrap a light blanket around both of you. Do this at least 6 or more hours a day. How to know baby is getting enough? Do diaper counts...baby should have at least 6-8 pee a day (bilangin gamit ang lampin kase hindi accurate ang disposables) and newborns should poop everyday. NEVER gawing basis ng gutom ang pag iyak kase maraming rason ng iyak. Maaaring gusto lang niya maging malapit sa iyo. Tandaan, sanay si baby kasama ka 24/7 sa womb mo for almost 9 months nung buntis ka.
No wag mo bigyan ng FM baby mo. Ako 1st day wala nadede saken si baby pero sabi ng pedia meron daw un hnd lang naten nakikita kaya paguwe namin naglaga ako ng malunggay sa papa ko umiinom ako nun 3xaday tpos puro gulay at sabaw at water. Ayun pagka three days tulo na ang gatas ko,sumasakit na nga kasi hnd lahat nadedede ni baby eh. Akala mo lang nakukulangan sya pero hnd. Need ng unli laych pra mas madming maproduce na milk. Sali ka sa breastfeeding groups sa fb
hi momshie :) ganyan din ako before Kay baby pero wag mo isipin na Di sapat Ang milk mo Kay baby as long na masigla sya, At Di bumababa Ang timbang ibig sabihin nun nakakadede sya sayo :). I always buy lactation to boost my milk :) try m2 malunggay sis :) bakakatulong sya. pag nagpapadede wag mag isip lagi nakakaless Ng milk Yun momshie Lalo na pag stress. always think positive Lang :)
Mommy pano mo nasabing di sya nasasatisfy? Once nag formula ka pwede talaga humina lalo milk supply mo. Better increase nalang your supply by unli latch, increase pumping session, milo, water water water. If you want to build milk stash, letdown catcher or magpump sa kabilang side while latching si LO
try mo mommy, dikdikin mo luya tapos pakulo mo, after nun lagyan mo malunggay leaves, pakuluin mo sabay, effective saken mommy, after ko kse manganak literal na wlang madede si baby saken, after a week na diretsong gnyan ulam ko sobrang lakas na nang gatas ko, 6mos na si baby ngayon at satisfied sya. 😊
Mommy, remember the law of demand and supply. The more mag unlilatch si baby sayo is the more dadami ang milk mo. You cannot say he/she isnt satisfied. Basta may poop and wiwi, okay lang yan. Lalo bababa ang milk mo nyan kapag magfoformula ka
drink lots of water, eat veggies esp malunggay. masasabaw na ulam. rest and iwas stress. milo or any choco drink na may malt. malalaman mo naman kung enough yung milk mo pag normal yung pag ihi ni baby. ilang months na po ba?
Feeling mo lang di sya satisfied mommy. Pero I swear to you, never naging di enough ang breastmilk sa baby. Kung ano nialalabas na milk ng breast mo yun ang demand ng baby mo. Tiwala lang po.
in my case. drinking of water is very important. dapat lagi po tayong hydrated. and unli latch lang si baby. ibibigay ng katawan mo ang need ni baby. alsi i drink m2malunggay tea drink
momshie feeling mo lang siguro na hindi siya satisfied. pero satisfied naman si baby niyan for sure.. malunggay momshie at masasabaw na pagkain at tubig always