53 Các câu trả lời
No po. Better mag ipon habang maaga. Kami ni hubby we always make sure na unang unang ibabawas ang savings pag sweldo. Then saka ang bills, budget for food, transpo, emergency fund, and wants. Then yung matira for extra expenses nalang. We even have alkansya kahit masama daw sa pamahiin as long as nakakatulong para magsave ginagawa namin pag napuno dinedeposit namin sa bank. Di kami masyado naniniwala sa pamahiin. 😅 mahirap din pag walang ipon. Lalo sa mga ganitong panahon para di ka mamomroblema.
Hindi masamang magipon.. Ang masama daw yung magalkansya.. Kasi ako ilang beses nakong nagalkasya.. Nitong last ko nakaipon nko ng 15k.. Nauwi lang sa hospital bill namin kasi bleeding tlga.. Pero safe na si baby.. Pagkauwi nmin galing hospital.. Binuksan ko tlga yung alkansya.. Naiipon nlng tlga kami.. Pero never na nming sinabi na kay baby yun.. Hehehe.. Mas masama walang ipon.. Katulad nitong lockdown!
Mag-ipon ka mamsh. Unang-una hindi lang para sa mga gamit ni baby mo. Ang higit sa lahat sa panganganak. Napaka importante sa buntis ang may ipon. Siyempre mas tipid nga yung normal delivery pero hindi kasi natin alam ang mga pangyayari kaya maganda na din may ipon para kung sakaling ma-CS may sapat kayong pera. Yung pamimili ng gamit ni baby pwede mo yan gawin pag 7-8 months ba yung pagbubuntis mo.
no po pamahiin lng po yun.. ako po dati hilig ko mag ipon nung student plng ako kaya lahat ng branded na shoes na gusto ko nabibili ko di nman ako nag kakasakit or kahit sino sa fam ko.. di po totoo na kpag nag ipon parang may pinag iipunan dahil magkakasakit..
Hindi masama mag ipon. Ang masama yung wala kang ipon para sa gamit ng baby. Sa panahon ngaun kelangan lagi ka may ipon kht hndi para sa baby. Para ndin sa future nyo. Tulad ngaun pandemic hirap ang mga tao dahil ung iba walang ipon na pera.
Hindi naman siguro kung reasonable na para talaga sa baby, otherwise kelangan naman talaga magipon para sa lahat ng pangangailangan nila dba, so for me ok lang yan at surely wala naman masama kase oara anak lang di naman.
Mas maganda pong may ipon lalo na ngayong hindi pa rin sigurado kung kailan tayo makakabalik sa normal. Tsaka mas kampante ka po kapag alam mong may huhugutin ka anytime na kailanganin mo. 😊
Magipon ka momsh sa isang lalagyan na naoopen yung takip, wag yung alkansya talaga and lagyan mo ng label kung para saan yung pinag iipunan mo bago mo hulugan, ganyan ginagawa ko.
Never naging masama magipon for your baby. I think napakaraming pamahiin tapos walang sense sa panahon ngayon? Like paano ka magpapa check-up ay bakuna kung wala kang ipon?
hnd naman mommy.... kami nag start na magsave para kay baby at sa panganganak ko simula 7 weeks plng ako... wala namang sinasabi mama ko... nasa province pa ako nkatira...