U.T.I

Hi mommies ask ko lang. 3months preggy po ako at nadetect na may UTI ako (18-20) so niresetahan po ako ng CEFALEXIN Antibiotic ng OB ko. Ang kaso natatakot po ako sa sinasabi ng nanay ko na wag daw po ako iinom ng kahit anong gamot pag buntis ako dahil yung kapatid ko daw dati naging blue baby dahil sa paginom nya ng gamot din sa UTI. Sino po dito yung nag ka UTI sa ganitong month? Nag antibiotic po ba kayo? Safe po ba? Thanks ?

138 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nagka ganyan din ako dati, sa takot ko Hindi ko ininom, ayun nung next na pa urinalysis mas tumaas pus cells ko.. pag sobrang taas daw magiging cause Ng early labour baka ma premature pa si baby.. make sure Lang po sumunod sa tamang dosage..

3months preggy din ako nung nagka UTI ako, Cefalexin din ang reseta sakin.. tapos ning 7mos preggy ako nagka UTI ulit ako.. amoxicillin nman yung nireseta sakin.. safe nman sa buntis yan.. now naka panganak na ko Okay nman c baby ko.

ako po 2X na confine gwa nang U.T.I at my ininom din akong mga gamot pero nung dna naskit tinigil kana din khit wlang advice ang OB ko tas more on water nalang khit ung feeling na pag iihi ako e iinom pa din ako nang mraming tubig.

Safe naman sa buntis yan at lalo na nireseta ng ob mo. Mas kawawa naman si baby kung hahayaan lng yang UTI mo. Magmumuta ang mata ni baby pag labas nya at pwede ding baby palang sya may UTI na agad, pwede nya makuha sayo yun.

Need mo yan sis pag di nagamot ung UTI mo pde ka magearly labor. Always trust your oby pero mag google kapa din if safe ung med na binibigay sayo. Ako 3 bese ako ngtake ng antibiotic nung preggy ako kase ngcocontractions ako.

10 weeks ako ng magkaUTI..niresetahan din ako ng cefalexin..ininom ko kasi recommended ng OB ko ehh..siguro naman hindi sila magrereseta ng ikakasama ng baby..nakadepende din kasi sa katawan ng mommy kung healthy ehh..

Nireseta po yan ng OB mo e. Di naman po sya magrereseta ng di safe. Yan den yun tinake ko na antibiotic pero 2nd tri. Saka pano nakasigurado nanay mo po na antibiotic dahilan at naging blue un baby? Blue talaga??

Thành viên VIP

Sundin nyo na lng po ung Ob kasi po pag di naagapan ang UTI mo mas kawawa si baby sa loob po.. And pede ka magpreterm labor dahil pag may UTI may infection, magcocontract ka ng mas maaga. Ktulad nangyari sakin. 😢

Safe nman yan momshie. Ako dn nagka UTI ako ganyan dn 3 months or 4 months ako nun same na gamot binigay sakin ok nman safe nman ang baby ko naipanganak ko syang maayos at healthy sya. Kaya wag ka magalala.

Hi, nung nag preggy ako, nag ka Uti din ako pero nde po ako pinag take ng antibiotic, niresetahan lang po ako ng supposutory na iniinsert sa vagina, bale un po ang pina anti biotic... Mas safe po...

5y trước

Most likely the suppository you were given is an antibiotic as well. Probably your OB found presence of yeast infection kaya she preferred suppository. Pampabawas din yun ng excessive vaginal discharge lalo na of sobrang kati.