U.T.I
Hi mommies ask ko lang. 3months preggy po ako at nadetect na may UTI ako (18-20) so niresetahan po ako ng CEFALEXIN Antibiotic ng OB ko. Ang kaso natatakot po ako sa sinasabi ng nanay ko na wag daw po ako iinom ng kahit anong gamot pag buntis ako dahil yung kapatid ko daw dati naging blue baby dahil sa paginom nya ng gamot din sa UTI. Sino po dito yung nag ka UTI sa ganitong month? Nag antibiotic po ba kayo? Safe po ba? Thanks ?
May ganyan po ako ngayon. Amoxicilin (not sure sa spelling) naman binigay saken. Kaso parang skeptical yung friend ko na nurse na nag tatrabaho sa hospital noong sinabi ko na binigyan ako ng ganong gamot sa center kase nga daw may uti ako. Nevertheless, ininom ko parin. Di naman siguro nila ibibigay kung makakasama kase alam nila na buntis ako.
Đọc thêmGood day! i had also my uti during my first trimester. Nirisethan po ako ng ob ko ng orange juice na powder (forgot the name). It costs 400+ i think but very effective po siya kasi once lang po ako uminom gumaling agad.. Better to follow po kung ano ang sabi ng ob niyo.. Drink plenty of water po coz it will help a lot and iwas po sa mga bawal 😊💕
Đọc thêmNagkaUTI din po ko, una naghehesitate din po kong uminom kase sabi nila masama. Madalas sumakit yung puson ko and sabi ng doctor, pwede siya maglead into miscarriage. Niresetahan ako ng mataas na klase ng antibiotic which is cefuroxime yung nireseta since sobrang taas ng UTI ko and wala namang problema si baby nung lumabas.
Đọc thêmAQ te may uti din mag 4months n pero nakapag pacheckup n AQ Ng 1month niresetahan AQ Ng antibiotic cefurex nag balik AQ meron parin nrctahan nman AQ Ng monurol antibiotic grabe isang inoman Lang poweder xa 487 hanggang ngyon masakit parin balakang q pacheck up ulit sa iba nman doktor d masama uminom Ng antibiotic pag reseta Ng ob u,
Đọc thêmGanyan din niresata sakin.. safe naman yan saka pang pregnant naman un antibiotic nayan, kaya safe sa baby.. mas nakakatakot kung hindi mo iinuman. Kasi sabi ng ob ko kpag daw lumala ung UTI, pwede sya mag sanhi ng pagka bulag ng baby kasi bacteria tlga sya na dapat mawala bago ka manganak.. more water din ska buko ung fresh...
Đọc thêmOk lang po yan na uminom ka ng gamot Pero wag mong araw arawin ang pag inom.. Nung pinagbubuntis ko din po ang baby ko may uti ako nun.. Ang pinaggawa skin ng mommy ko ay uminom ng napakaraming tubig at ng buko na puro at umupo palagi sa may mainit init na tubig yung kakayanin mong umupo para sa uti mo mawala mga infections
Đọc thêmBaka po hindi antibiotic yun mamsh.
Nagka UTI din ako. Nag Cefalexin din ako. Safe naman daw sa pregnant yung med na yun. Di naman magrereseta si OB kung makakasama po sa atin. Mas mahirap po kung di maagapan magamot yung UTI kasi baka maka affect kay baby. Sinunod ko lang si OB for one week na gamutan. Nanganak na ko, okay na okay naman si baby. Very healthy...
Đọc thêmSafe naman po pag binigay ni doc at makakatulong din po yan para gumaling kayo mommy at inum lang po ng madaming tubig lalo po pag tapos umihi inum po agad para matangal bacteria mommy pag na pabayaan po kasi baka mahawa si baby. Iwas na lang po mommy sa mga maalat . Para mas mabilis po ang pag galing tubig lang po ng tubig.
Đọc thêmAko po. Thrice nagpabalik balik ang uti during pregnancy. Cefalexin, cefuroxime, nitrofurantoin.. yan mga pinescribe sakin.. sa cefalexin lang nakinig katawan ko.. Inumin mo po mommy, hindi lahat ng baby at nanay pareho magreact sa gamot. Saka ang pagiging blue baby is sa genes nadedetect hindi sa kung ano mainom na gamot.
Đọc thêmHello po! pag nag kaka UTI po sis ko na buntis naglalaga po sya ng dahon ng guyabano at iniinom po para mka tipid po sya sa gamot at dahil single mom po sya. Effective naman daw po sa kanya, d pa po kasi ako nagkaka UTI ngayong buntis po ako. Pero mas mabuti po ata sis if you follow nalang your OB po, they know better po.
Đọc thêm
Soon to be mommy