14 Các câu trả lời
Yan ang gusto ko at dapat naman talaga nakabukod pag mag asawa na. Bago kami ikasal ng asawa ko sinabi ko na sakanya na gusto ko bukod, nung una di sya payag pero nag agree din sya. So before pa lng ng kasal may napareserve na siya na apartment at lumipat kami pagkakasal. Ok na sana, pero after 4 months bigla na lang sya nagdecide na lumipat na kami sa kanila,kasi dalwa lng nmn daw parents nya nasa bahay at hndi daw kami makaipon pag naupa. Kahit ayoko at sobrang labag sa loob ko tinanggap ko na lang para hindi kami magkahiwalay. Mag 2 months pa lang ng nakalipat kami namatay daddy nya, at yung pamilya ng kapatid nya na sa katabing bahay lang nakatira (pinagpagawa ng parents ng sariling bahay) lumipat dito sa amin para may kasama daw si mama pagtulog sa kwarto. Pero ang nangyari dito na talaga nakatira at kumakain. Ok lang sana na pinapaghugas ko sila ng pinagkainan at pinaglutuan sa umaga at pinapagluto ko sila sa gabi,nauwi ako ng maaga para makaluto. Tulong ko nlng sa pamilya. Pero napansin ko umasa na,at napapakialam pa pagluluto ko, nqpupulaan pa. Tapos biglang nalaman ko based sa parinig nla sa fb post nila issue pala sa kanila ang paggising ko ng late. Eh ang pasok ko eh late pa namam. Hanggang sa harapan na sila magparinig at mambastos, kaya umuwi ako samin. Pagsasama namin mg asawa ko nag suffer. Hndi talaga ok ang pisan. Kung nakinig lang kaagad asawa ko sa akin. Hndi sana ako masstress ng ganito. Preggy pa naman ako. 😭
Hello, Ask lang po ng advise, nakikitira lang po kame ngayun sa asawa (LALAKE) kasama magulang nya, nahihirapan ako makisama sa magulang nya, at sa tuwing sinasabe ko na gusto ko vumukod nagagalit po ang asawa ko, ayaw daw nya bumukod dahil mas nakakatipid sya dito at wala sya gawain bahay, pag uwi nya may niluto na pagkain nanay nya, nanay nya namamalengke, lahat, lahat, minsan di rin sya nag babayad ng bill dito sa bahay inshort sagot lahat ng magulang, kaya ang magulang nya saken gumaganti, kono control kame ng anak ko, at lagi naka simangot saaken, hindi po ako maka alis dahil wala po ako trabaho, wala ako income para maka bukod kame ng anak ko, gusto g gusto ko na umalis dito, hindi ko na po alam gagawin ko, sa tuwing sinasabe ko sa asawa ko mag hanao daw ako tranaho para makalayas ako dito, pano po makakapag trabaho wala mag aalaga sa 1year ild na baby namen 😭😭😭😭
Bumukod kami agad last year, buntis ako ngayon. Kahit mag isa na lang yung nanay nya sa bahay nila kasi namatay na ung father nya, hindi kami tumira sa kanila. Ilang baranggay lang naman ang pagitan. Mas prefer ko kasi ang nakabukod, makakilos ako ng ayos at makakapagbudget ng maayos. At isa pa, di kami in good terms ng nanay ng asawa ko, kasi madami syang utang at ang hubby ko lagi ang pinagbabayad nya. Ayaw naming mastress mag-asawa. Naintindihan naman ng nanay nya, wala naman din syang magagawa. 😂
Nung buntis lang ako nagstay sa inlaws. Since sa ibang province kami nakadestino for our work, nung nabuntis ako we both resigned para bumalik sa sarili naming probinsya. Nasa abroad naman nanay ko so sa inlaws talaga nakitira pansamantala. 3 months after I gave birth nangupahan na kami since halos pagtabuyan na kami ni MIL. Pinagpapasalamat ko din naman un kasi natuto kami on our own. Mas peaceful saka mas nakakapagdecide kami para sa sarili naming pamilya.
Dapat naman talaga leave and cleave, yun din ang misa ni father during wedding namin. Nag apartment muna kami. Mas maganda kasi madaming learnings. You will learn more about each other and yourself. Less stress pa because ang pamilya niyo ang priority ni husband. Kung ayaw mo ng stress sa mundo, bumukod agad kayo. Madaming horror story posts dito and ang sagot lagi ng other moms ay bumukod 😁
Kami po sa parents ko muna tumira since only child lang naman ako. Ayoko kasi sa side ng asawa ko tumira. Mas okay and kampanti ako sa parents ko. Nag ipon din kami para makapag patayo na rin ng sariling bahay. Year 2018 nung nag plan kami magpatayo and bumukod. Pero ngayon kasama namin sa bahay yung mama ko kasi namatay na papa ko last year lang. Hindi ko rin kaya mag isa mama ko.
Dito kami sa Parents ko nakastay since kinasal kami last yr. and malapit dito work ko malaki din bahay may 5 rooms then nag buntis ako pinag resign nila ako..asawa ko naman nagkaroon ng work dito sa malapit..45mins-1hr kasi layo ng bahay nila dito samin..OFW talaga asawa ko di lang nakaalis agad tapos nagkaroon pa ng pandemic lalo di kami makabukod..
dahil nag eexpect kami ng baby sa ngayon hindi muna kami nakakapag ambag sa pagkain pero wala naman problema dun kasi matagal bago nagkaroon ng baby sa family namin sa side ko kaya alaga talaga nila then sa side ng asawa ko unang apo naman baby namin kaya wala akong stress sa buong pregnancy ko kasi madami nag gguide at nag susupport saming mag asawa..
Bago kami magpakasal, kumuha na kami ng uupahang bahay. Months before kami ikasal lumipat kami, parents nya na kasi nagsabi na once magpakasal kami hindi na kami pwedeng makisama sa kanila. Magbukod daw kami kahit maliit na bahay, kahit sa simula upa kang tas kahit wala masyadong gamit basta nakabukod kami.
Kht po hindi pa kami kasal ng husband ko, bumukod po kami. Sa una mahirap pero kinaya namin, nangupahan kami, nakapagpundar ng mga gamit. Ang sarap sa pakiramdam na walang sagabal sa mga gusto namin gawin. Ngayon tatlong taon mahigit na kaming nagsasama at may baby on the way na.
Kami ng hubby ko, we are still living with my inlaws. Though meron na kaming lupa, and plan namin mag pa construct ng bahay next year.
Ganun na nga po. Hehe soon makaka bukod rin 🙂🙏
Stefanie Beltran Paco