KASAL
Hello mommies! Anong gagawin niyo if nauna kayong magkakababy kesa magpakasal? Magpapakasal ba kayo agad (civil) dahil may dinadala na kayo? Ayoko kasi n magpakasal dahil lang buntis. We plan to get married one to two years from now and nasa plan na namin yun even without si baby in my tummy pa. Kaso yung tao sa paligid ko lageng sinasabi na dapat magpakasal na kami para di daw bastardo yung anak. Pero ayoko kasi magpakasal dahil lang buntis. Gusto ko pag magpapakasal kami yung bukal na samin and ready na kami. Ayoko din ipressure si partner kasi just working hard for us pressure na yun. Eventually, dun din naman punta namin pero we don't want to do it dahil yun ang dinidikta ng ibang tao. Ano sa tingin niyo?