First time mom
Hi mommies, ano po masasabi niyo sa mga tulad ko na first time mom at hindi pa nasasabi sa magulang na buntis? 20 years old na po ako, pero hindi pa alam ng parents ko na buntis ako. Natatakot po ako mag sabi. pampagaan lang ng pakiramdam mommiees!! thankyouuuuu
Ilang months ka na siz? Go tell your parents na agad wag mo na sanang patagalin para mas maalagaan ka nila. Ganyan din ako noon sobrang takot kasi nga panganay ako at may dalawa pa akong kapatid na pag aaralin. Malala pa saakin nasa abroad mom ko at dad ko naman stay in sa work kaya mas nahirapan akong sabihin sa kanila kasi sa chat ko lang pwede sabihin. until umabot ng 5 months di pa nila alam. Yung partner ko ang naglakas loob na sabihin sa mom and dad ko thru chat. at first magagalit lang sila mommy, hindi ka nila kakausapin, makakapagbitaw ng masasakit na salita pero for sure one day kakausapin ka rin nila lalo pa kapag malaman nila ang gender ni baby. mawawala lahat ng sama ng loob ng mga yun kapag nakapanganak kana at makita nila si baby, gaya ng naging karanasan ko. Magpasama ka sa partner mo na harapin ang parents mo at ipakita nyong masaya kayo sa blessing ni God sa inyo 😇
Đọc thêmSabihin mo na sa parents mo kasi sila lang din ang makakatulong sayo ni baby. God bless you po mommy and baby 💕