MEDICATIONS PRESCRIBED BY MY OB-GYN

Hi Mommies! Ang dami ko nakikitang questions about sa medications lalo na sa mga first time moms. Share ko lang sa inyo kung ano yung mga gamot na pinainom sakin ng OB-GYN ko during my pregnancy. FIRST TRIMESTER ✓ Obimin Plus (once a day) -Multivitamins + Minerals + DHA + EPA -pregnancy vitamin with Omega-3 for baby's brain development ✓ Potencee 500mg (once a day) -Ascorbic Acid -for prevention and treatment of Vitamin C deficiency So dalawang gamot lang ang pinainom sakin from 8 weeks to 12 weeks ng pregnancy ko. Just like most of you, tinry ko din magtanong sa ibang pregnant women kung ano tinetake nila. Nagulat ako kasi may Folic Acid silang iniinom so nung 2nd checkup ko sa OB ko, tinanong ko kung may folic acid na ba yung gamot and sinabi ni OB na meron na yung Obimin Plus. Pinagsasabay ko na lang after ko maglunch yung pagtake ng Obimin Plus and Potencee. Mention ko na din na I started drinking Anmum Materna nung nalaman kong buntis ako, two glasses a day po. Isa sa morning, try nyo yung Mocha Latte flavor kasi para ka lang din nagkakape then isa naman before bed, alternate yung Plain at Chocolate flavor. SECOND TRIMESTER ✓ Obimin Plus (tuloy-tuloy lang, once a day pa rin) ✓ Potencee 500mg (ganun pa rin, once a day) ✓ Hemarate (once a day, 30min before meal) -Iron + Multivitamins -treatment of iron-deficiency anemia Tinetake ko yung Hemarate pagkagising ko so morning then iinom ako ng Anmum Materna. So after lunch, tinetake ko pa rin yung Obimin Plus at yung Potencee. Bago ako matulog, umiinom ulit ako ng Anmum Materna. THIRD TRIMESTER ✓ Hemarate (once a day, 30min before meal) ✓ Obimin Plus (once a day pa rin) ✓ Potencee 500mg (once a day) ✓ Calciumade (once a day, before bed) -Calcium + Vitamin D3 + Minerals -helps strengthen bones and make joints flexible ✓ Natalac 250mg (once a day, 36 weeks onwards) Same pa rin ang routine pero nadagdag lang is yung Calciumade. Tinetake ko yun after ko magdinner. Hindi kasi pwedeng magkasabay ang Iron at Calcium as per my OB. Then yung Natalac, once a day ko sya tinake since 32 weeks of my pregnancy. Disclaimer: Iba-iba pa rin ang OB-GYN natin. So respect pa rin natin kung ano ang gusto nila for us kasi yung inaadvise nila satin is proven na based on their practice. Same din mga mommies sa Pedia ha? Irereseta nila yung gamot/milk/supplements na subok na nila para sa mga babies natin. At kung may mga questions po kayo, you can ask your OB-GYN po if may mga numbers nila kayo or feel free na magtanong din sa mga available OB online lalo na't mahirap lumabas ngayong pandemic. Mag-iingat po tayo palagi! :)

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Thanks sis.

5y trước

Always welcome po. Stay home and keep safe sis! :)