Stress

Mommies, 9months preggy na po ako. Week nalang ang hinihintay sa pagdating ni baby. Ngayon po, dito na kasi ako nagsstay sa bahay ng hubby ko kasama ang biyenan at mga kapatid niya, bale may kwarto lang po kami ni hubby dito sa 3rd flr. ng bahay nila kaya bihira po akong bumaba dahil nahihirapan akong umakya't baba sa hagdan. Dito lang ako madalas sa 3rd flr. magisa walang kausap, kasi nagtatrabaho si hubby. At natural na din po kay hubby na hindi siya pala kwento kaya kahit nandito siya minsan panay fb at nood ng tv lang. Na-istress napo kasi ako sa daily routine ko na pagkagising, bibili ng pagkain, magsstay saglit sa baba tapos aakyat na ulit sa kwarto, maglalaba, matutulog tapos bababa para sa hapunan. Nakaka-stress pala yung palagi kang mag-isa't walang kausap, lalu na't buntis. Yung feeling na pgkagising plang sa umaga pagod at wasted kana kasi ganun nnman ulit yung mangyayare. pahingi nmn po ng payo. ?

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

The worst thing to do is to do nothing. I feel you mamshy. Nagleave na rin me sa work ko dahil kabuwanan ko na 38wks na me. Super bored. Kain, tulog, lakad lakad konti, squat, hugas plates at magluto, aayusin nursery naghahanap ako ng mapagkakaabalahan. Pero kadalasan nanunuod na lang ako ng mga videos sa panganganak. hehehe

Đọc thêm
6y trước

Buti kapa nga mommy ka-leleave mo lang sa work. Ako 1yr. ng walang work bago pa mabuntis kasi nagkasakit ako and I really need to have a rest even sa work para tuluyang gumaling ang kaso after ko gumaling, tsaka ako binigyan ni lord ng blessing which is my baby kaya ayun, mag-2yrs. nako na nasa bahay lang. Bored and medyo stress kasi walang kausap haha

Thành viên VIP

ganyan rin ako sis. nakaka bagot sa bahay, sa sobrang bagot ko andaming sumasagi sa isip ko na nakakastress lang thou andito naman parents ko sa bahay pero more on cp cp nalang ginagawa ko, nakakainip kasi almost 35wks na ko. and yung mister ko naman nagwowork sa ibang lugar, kaya wala rin ako makasama.

Đọc thêm