Hi mommies! 6 weeks pregnant here, kahapon nagpa ER ako kasi continuous yung bleeding ko. After 4 hours pinauwi din ako kasi closed cervix naman daw. Threatened miscarriage ang diagnosis sa akin. Tapos pagkauwi ko mismo, may lumabas sa akin na malaking laman. Di ko sure if sibaby ba yun then sobradami dugo, pagka labas nung laman kumonti na yung bleeding ko. Yun na kaya yun? Bukas ko pa makausap ob ko uli. Btw, small gestational sac syndrome pala ang impression sa una ko ultrasound and sinabi na saken ng ob ko na malaki din talaga chance makunan ako.