Cashier Queue

Hi mommies. 4 months na ako pregnant pero di pa masyado halata bump ko. Parang busog lang kasi itsura ko. Lumalabas ako na madalas suot ko is tshirt and jogging pants. Dahil sa hindi pa halata bump ko hindi ko pa pinagpipilitan sumakay sa pinaka front seat ng bus kasi baka maging tingin sakin di buntis. Ayoko na rin kasi ng usap usap pa. Pero kapag pumipila ako sa mga cashier, dun ako sa mga priority. Gusto ko lang malaman insights nyo mommies kasi last time na pumila ako pinagtitinginan ako at nung sinabi ko na pregnant ako, parang di sila naniniwala. May mga nagbubulungan pa nga eh. Ok lang ba na itake ko na yung advantage ng priority lanes kahit na di pa malaki bump ko?

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Akin din naman I am 5mos na preggy pero di halata parang tumaba lng ako ganun. Yes it is your right to use the priority lane kasi totoong preggy ka naman wag mo nlng imind if may nagbubulungan or nagrereklamo dati nga sa bayad center sa priority lane ako kasi naccr na talaga din ako. Sabi kasi di naman masyadong malaki ang tyan if first pregnancy sabi nila.

Đọc thêm
6y trước

iwasan mo din mastress para maging healthy po si baby mo.

ok lang yan wag Mo silang pansinin ganyan din ako dati ilang months pa.lang kahit maliit pumipila ako sa priority keber ba nila ipakita mo ultrasound Mo Pero sa lrt kahit buntis ka wala talaga ng nag papa upo minsan.

don't mind them haha ako nga sis knina sa philhealth ang haba ng pila e going to 3 months p lng ako wla p baby bump pero sa priority lane ako nagpnta ayun easy.. wla pang 1 hour tpos n ako 🤣😂

Thành viên VIP

Yes mommy, ok lang yun. It’s your privilege na pregnant. Lalo na actually kapag early on in the pregnancy na mas maselan kayo actually. Hayaan mo nalang yung nagbubulungan.

Thành viên VIP

Go lang.. minsan lang tayo maging priority. :) Minsan nahihiya din ako pero mabilis tlga mapagod pag nakatayo ng matagal ang preggy. Assert your rights. 😉

i take mo yung mga priorities mas ok kasi isipin mo na lang ung kalagayan ng baby.. hnd naman nila alam ang pinagdadaanan natin mga buntis...

yes mommy. porket di pa kita bump di n priority.. pregnant p rin po tyo.. mas risk nga po ung mga nasa 1st trimester palang.