Hi mommies! 38weeks pregnant po ako today. Sobrang sakit ng mga nararamdaman ko. Sobrang sakit ng ribs ko dito sa left side and sometimes sa right side din pero most of the time eh sa left talaga. Tapos sobra din sakit ng upper back and lower back ko. Nag-punta na ako sa lying in nung thursday, pero ang sabi 1cm palang daw ako and i-tulog ko pa daw and bumalik daw ako kinabukasan with my ultrasound. Kinabukasan, nag-punta ako sa philhealth at nag-biyahe ako para matagtag din ako and lumabas na din si baby kasi full term na naman daw and pwede na. Grabe, sobrang nanakit lahat ng katawan ko, pati singit ko and hita ko nangangatog na to the point na napapa-luhod na ako sa jeep.
Tapos the next day, bumalik kami sa paanakan and sinabihan lang ako na take some water chuchu. Hindi manlang ako chineck or in-IE ulit. So uwi ulit kami sa bahay kahit sobrang sama na ng katawan ko. Napapa-luhod na talaga ako sa jeep! Kasi super sakit na ng singit ko talaga and ngatog na.
Ask ko lang, labor na ba 'tong nararanasan ko? Kasi di nako tinatantanan ng sakit pero hindi padin tuloy tuloy kasi yung contractions ko. Hirap na hirap na ako. Kanina, may blood na din yung undies ko pero 3 tuldok lang. May contractions ako pero di nagta-tagal kaya ayoko pa pumunta ng hospital pero super sakit na ng buong katawan ko. Anong gagawin ko? ? gusto ko nalang magpa-turok ng pampa-hilab para mawala na 'to.