How's your sleep?
Hi, mommas! I'm currently 21 weeks pregnant, and I just want to ask about your sleeping experiences during pregnancy, especially pagdating sa number of hours na tulog ninyo. Lately, medyo nagwo-worry ako sa sleeping pattern ko. Usually naman nakakatulog ako around 9–10 PM, pero nagigising din ako a few times during the night para umihi (usually 2–3 times lang naman). Kapag okay ang tulog ko, nagigising ako around 6–7 AM. Pero may mga times talaga na ang hirap makatulog nang maayos. Minsan halos 3 hours lang ang total sleep ko, tapos babawi na lang ako with naps during the day. Kaso kahit may naps, feeling ko hindi pa rin sapat para ma-complete yung recommended 8 hours of sleep. Like today, nakatulog ako around 10 PM pero nagising ako ng 5:10 AM. Hindi naman super sama compared sa ibang nights, pero napapaisip pa rin ako kung enough ba yung rest na nakukuha ko para sa akin at kay baby. May mga nights din na antok na antok naman ako pero hindi talaga comfortable matulog. Minsan naman nagigising ako in the middle of the night tapos ang hirap nang makabalik sa tulog. Gusto ko lang sana malaman kung may mga mommas din ba dito na same ang experience? Normal ba na pabago-bago talaga ang sleeping hours during pregnancy? May mga times din ba na kahit anong gawin ninyo, hindi talaga umaabot ng 8 hours ang tulog? I'd love to hear your experiences. Hindi naman ako naghahanap ng perfect sleeping routine, gusto ko lang malaman kung may mga nakaka-experience din ng ganito. Hehe. ❤️ #5months #pregnant #worriedakoparasababyko #sleepcycle #sleepadvice


