28 Các câu trả lời

VIP Member

ako nun pinipilit nila ng church wedding kahit yung asawa ko gusto nya sa simbahan pero ako ang may ayaw, unang una ayoko ng gown 😂 pangalawa ayaw ko ng napakadaming nilalakad na kung ano ano, pangatlo yung magagastos na pera sa church wedding pede na itabi para sa baby, kaya nanalo ako civil kami. tsaka para sakin kase wala naman kung saan o kung gano kabongga yung kasal nyo kse nasa pagsasama nyo pa din yun, yung iba nga papabongga pa ng kasal gagastos gastos tapos ilang buwan lang naghihiwalay na. kaya ako kahit nung bata palang ako mas gsto ko talaga ang civil wedding.

yes, basta paliwanag mo lang sakanila, una kausapin mo muna partner mo sakanya mo muna ipaintindi, then pag ok na sakanya madali na yun

If you have the budget naman po, at gusto naman ng partner mo na church wedding na. Go na po. Pili ka nalang ng wedding dress na di gano mahahalata tyan mo, kung ayun yung worries mo. kung maliit lang naman built ng katawan mo, maliit pa tummy mo nun. Proper diet nalang at iwas sa matatamis para di ka maggain ng weight before the wedding. Congrats and God bless!! 😊

VIP Member

Church wedding kung meron enough time to prepare. Kasi if malaking wedding ang plan niyo mejo kapos na kayo sa preparations. If simple lang, carry naman. Kami naman nagcivil lang last year kasi need namin maasikaso agad visa ko and wala kaming time to prepare for a big wedding. Ngayun nagkakatamaran na kaming mag church wedding lalo na at preggy na ako.

Karamihan po mliit lng po mgbuntis.. kht 5months n po ndi p po masyado halata ung tummy.. kng my budget po kau, y not ung church wedding po.. try to find a wedding gown nlng n ndi gano halata tummy u.. pro kng gus2 u tlga ng civil, try to talk to ur soon-to-be husband and tell all ur concerns..

I understand u sis, na gsto mo maganda ka at payat pang tignan if ever sa church wedding. Ganon din ako. 😊 Kung kaya naman po pala ng budget church nalang yun nga lang malaki na tummy mo hehe. Pangarap yan ng mga babae kaya go na.

Yun nga sis eh hehe syempre gustk natin pretty ang sexy sa wedding 😅

Kung ako po, church na talaga. Kahit sabihin na civil muna and after lumabas ni baby saka ang church, maiiba na kasi talaga ang priority. So, kung gusto nyo ng church wedding and kung may budget naman talaga kayo for that, go na.

Friend ko po 5 months nung kinasal, iba yung pagkakatahi ng gown nya. Hindi yung maiipit si baby.

Kung may budget church wedding, kubg yung tummy matatago nmnn sa wedding dress , may wedding gown na gnun para d hlata. Kung practical okay nman n dn civil khit ano nman importante nkasal

Bakit naman itatago ang tyan? Ikinakahiya na buntis?

church wedding 💍💒 minsan lang mangyare saten mga babae yon kaya ipush na hehe kinasal din ako 5mos na kong preggy, success and super worth it lahat ❤️

If wedding dress inaalala mo,pwede yung de tali yung likod para madali iadjust at may mga illusion type na cut na hnd mxdo maeemphasize baby bump mo.

Church wedding na po. If magcivil kasi then church wala na din naman pipirmahan sa simbahan. Gastos nalang.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan