MAY SIDE EFFECTS PO BA ANG PAG MI MIXED PARA KAY BABY
MIXED PO KAS3 AKO SA HAPON AT UMAGA FORMULA SA GABE NAMAN MILK KO NAG WOWORK PO KASE AKO MAY SIDE EFFECTS PO BA YUN PARA KAY BABY 2WEEKS PALANG PO SYA
Reposting from BFP admin Clarice Aviñante: Mommies, especially those who are mix feeding, mahabang post ito pero promise, may saysay ito. :) The more you mix feed, the less milk your body will produce. Every ounce of formula you give is one ounce that you told your body not to produce. Do not fall into the Top Up Trap! Ito yung Top Up Trap: Pakiramdam mo kulang ang breastmilk mo==> Magbibigay ka ng formula/Magta-top up ka ng formula ==> Mabubusog sobra si baby at matutulog ng mahaba (kaya siya nabubusog kasi mabigat sa tiyan ang formula kasi yung composition ng gatas ng baka ay para sa mga baby na baka na merong apat na tiyan eh ang babies natin isa lang ang tiyan; kaya siya matutulog ng mahaba kasi yung energy ng katawan niya ay mapupunta lang sa pag digest kasi hirap siya kasi nga isa lang ang tiyan nya kaya habang nagda-digest, lahat ng energy andun, matutulog ang katawan niya to cope) ==> Mas dadalang ang pagsuso sa iyo ni baby ==> Lalong kakaunti ang gatas mo :( ==>Pakiramdam mo kulang ang breastmilk mo ==> At paulit ulit ito hanggang mawala na ang gatas mo (Note: Linagay ko lang sa Filipino ang poster na ito http://goo.gl/fKnQ8e ) Our bodies are wonderfully designed. Kung ano ang kailangan ni baby, yun lang ang gagawin na gatas. So mas madalang si baby sumuso, mas konti ang gagawin ng katawan na gatas kasi iisipin niya hindi naman kelangan; mas madalas si baby sumuso, mas maraming gagawin na gatas ang katawan. Number 1 rule yan sa breastfeeding. Kahit na isang sakong malunggay, gata, fenugreek, brewer's yeast, malt, atbp ang inumin natin, kung hindi magla-latch si baby ng maayos, hindi gagawa ng gatas ang katawan. Ang sabi ng marami kaya sila nagfo-formula kasi pag binibigay nila yung breasts nila, hindi natutuwa si baby at iyak ng iyak. That can be because of so many different things. Usual causes are nipple confusion and missed hunger cues. So what can you do to prevent this? Wag na magformula. Kung mas marami kang formula na binibigay ngayon, wag mawalan ng pag-asa, basahin ang kwento ni Donna http://www.chroniclesofanursingmom.com/2013/08/guest-post-from-40oz-of-formula-milk-to.html Cupfeed and do not bottle feed. Ang pag bibigay ng bote ay "nakakatulong" sa pagkawala ng gana ni baby sa suso. Bakit? Kasi mas mahirap ang sumuso sa ina kaysa sa lumunok na lang ng gatas na tumatapon galing sa bote. Ako man si baby, mas gugustuhin ko na lang ngumanga at lumunok. :) Ang tawag dito ay nipple confusion. Kaya maraming bata na nakabote na bigla na lang hihinto sa pagsususo at "wala" nang magawa ang nanay. :( Side note: Ang pagpapasuso ay pre-cursor to chewing and to talking. Ang baby na breastfed, mas praktisado ang panga. Mas madali para sa kanila ang pagtawid sa solids at ang pagsasalita. Bakit magka cupfeed? Kasi sa cupfeeding, hindi nangyayari ang nipple confusion. Kelan pwede mag cupfeed? Pwede as early as pagkapanganak. Ito ang video ng pagcupfeed http://www.youtube.com/watch?v=XY0YTQHR2nA Sa unang senyales na gutom si baby, mag breastfeed na agad. Pag sobra siyang nagutom, aayawan niya talaga "ang pagtrabahuan" pa para mapalabas ang milk galing sa breasts. Iba pang importanteng bagay. Matutong mag hand express. When you hand express, mas nauubos mo ang milk sa breasts, mas nauubos ang milk, mas dadami ang gagawin ng katawan mo. Ito ang file ng paghahand express. http://goo.gl/OMAb1w Wag kakalimutan na ang tiyan ni baby pagkapanganak ay kasing laki ng holen. Holen lang! :) Hindi niya kelangan ng maraming gatas. Eksakto lang ang kakapiranggot na colostrum ni mommy para sa kakapiranggot na tiyan ni baby. :) Tatandaan na hanggang 6 months si baby ang rule ay 1oz bawat oras. So kung nag iwan kayo ng 10oz sa isang araw dahi pupunta ng opisina at kalahating araw pa lang ubos na, sobra ang napapainom ni Yaya, Lola, Tita, Daddy, atbp. So kung formula ang masama, pwede bang humingi na lang nang humingi ng breastmilk galing sa iba? O bumili kaya? Ganun din yun. Bawat 1 oz ng breastmilk mula sa ibang nanay na binibigay, 1 oz din yun ng milk na sinabi mo sa katawan mo na hindi niya kelangan gawin. Kung umiiyak si baby, hindi ibig sabihin ay gutom siya, pwedeng naiinitan, nilalamig, may poop, basa, or ang kadalasang dahilan... nami-miss niya lang si mommy. 9 months si baby sa loob ni mommy, yinayakap siya sa loob, mainit, mapayapa. Paglabas nya magulo, maliwanag, mag-isa na siya... syempre mamimiss ka niya kasi mahal na mahal ka niya. :) Mixed feeding mommies are very welcome to BFP but please remember that the goal is to be able to breastfeed your baby exclusively during the first 6 months or until such time that your baby is ready for solid food. :) Happy breastfeeding!
Đọc thêmWalang side effects mommy, oo the best pa dn ang breastmilk but it doesnt mean makakasama if mixed feeding. As long as nakakadede siya ng milk nyo at nakukuha nya antibodies needed para lumakas immune system nya mabuti po, if kaya nyo magpump do so, but kung maaari dont stop po ng breastfeeding. You dont have to be guilty mommy na mixed feed si baby, iba iba tayo ng kaso, so if mixed feeding works for you, dun ka po.
Đọc thêmPure breastmilk po talaga ang mas mainam for newborn na try ko din mag milk powder ng isang beses Lang and napansin ko medyo nanghina ang baby ko and medyo buo ang poo poo niya. Same 2 weeks old din
May chance din PO n humina gatas mo momsh. Kung Kaya mo mag pump sa work para gamitin Niya sa umaga pag nag wowork ka mas ok Po. Lagay mo lng sa ref..
Hindi po sapat ang nutrition na nakukuha sa formula Need po pure breastfeeding atleast 6 months para di sakitin si baby
buti ngaa mixed pa eh.. saken nga formula lang kasi wala akong gatas mamsh. kaya wag ka mag worry, oks lang yan
May ref po ba kayo? Mag ipon po kayo ng breastmilk para may madedede parin po sya khit wala kyo
Much better mommshies kung pure breastfeed si baby lalo na kahit gang 6months..
Mahina pa immune system ng baby lalo na po under 6 months Breastmilk is the best po
Kung madami ka naman gatas mommy try mo magpump para mapure breast milk si baby.