lahat ay ok. depende sa situation.
kung may OB ka, kung saan hospital sia affiliated, dun ka manganganak. ung sakin sa 2nd born, pinapili ako ng 3 hospitals. ung pinakamura pinili namin, sia pa rin naman ang OB.
government hospital dito samin, kapag walang OB, need magparecord or check up sa kanila kahit one time. kaso madaling araw dapat ay nakapila na.
sa 1st born ko ay public hospital. pero may kakilala kaming OB kaya nakaprivate OB ako.
kapag lying in, as long as walang complication or risk kapag nanganak. kasi kapag magkaroon man, pinapatakbo sa hospital ang mommy or ang baby.
kaya hindi ko pinili ang lying in nung 1st pregnancy ko, kasi hindi ko alam anong mangyayari. buti na lang dahil na-emergency CS ako. dumumi na si baby sa tiyan.