Anong pagkain ang lagi n'yong pinagtatalunan ng asawa mo?
May mga ulam ba na gusto mo pero ayaw niya?
Wala. Hindi naman kasi kami mapili sa pagkain. Kung ano maisip kong lutuin yon ang lulutuin. Siya naman kung anong niluto ko kahit ano pa yon kahit pa nga sunog minsan o kaya naman maalat ang pagkakaluto go lang siya. Kain pa din siya. Thankful ako kasi di pihikan sa pagkain yung partner ko. Hindi naman kasi ako gaanong marunong magluto 😂
Đọc thêmWala hahahaha kasi ako naman nagluto kaya no choice sya and lagi sinsabi ako the best chef in the world hahaha compliment nya skin everytime nilulutuan ko ng request nya😅 magaling mang uto🤣
walang pinagtatalunan nagkasundo kami na walang kakain or magluluto ng baboy sa bahay.. tsaka walang kakain ng balut or puglot.. anything na aborted egg 🐣as he calls it.. 🤣🤭😂
Madami! Lalo na sinangag. Favorite ko pero ayaw na ayaw nya kase oily daw. Yung mga gusto kong food di nya trip gaya ng kare-kare.
wala nmn kaming pinagtatalunan sa pagkain kung anong lulutuin ko gusto dn nya halos pa balik2 lng dn ulam namin😂..
wala kasi okay naman ako sa lahat. di naman maselan sya din tagaluto pag andito sya kaya yung gusto nya niluluto nya
anything na may sibuyas. kapag medyo napaliit hiwa ng sibuyas kasi mahihirapan syang ihiwalay
kahit anong luto ng baboy. kasi gusto nya lagi ng taba e ako di na ko nakain ng baboy
dapat breast part nag chicken ang lutuin, pag hindi aww hindi kakain hahah
Pinagbabawalan nya ko kumain ng isaw pero wlaa syang magawa 😆