6 Các câu trả lời
Sis bago ka nabuntis sigurado naman alam mo sitwasyon ng mister mo na me anak sya sa iba, dapat nun pa lang naisip mo na kahit pano mahirap talaga kalagayan na me mga anak sya sa una. Hindi mo naman maalis sa kanya na maging ama sa mga anak nya na yun, at syempre yung nanay nung mga bata ipaglalaban nun karapatan ng mga anak nila. Ang dapat manimbang dyan ay yung asawa mo, dapat maging parehas sya sa lahat ng anak nya. Sa una at sayo. Kung sa mga bata hindi ka dapat makaramdam ng selos kung dun sa nanay yun ang ibang usapan dun. Nagpapaka ama lang siguro ang mister mo, as long as na di ka nya pinababayaan at ang magiging anak nyo.
Dapat ipacompute mo mommy kung magkano dapat ang isustento niya sa mga anak niya sa first partner depende sa sahod niya. Ganun po kasi sa batas natin. Tingin ko po kasi wala silang initial amount na pinagkasunduan kaya minsan wala na po natitira sa inyo. Dapat may natitira sainyo kasi may anak din po kayo. Better na magpunta po kayo sa brgy para makagawa po ng kasulatan about dyan.
Kung sa magalit hindi naman po kailangan kasi pareho kayong may anak sa kanya. Kailangan makahanap ng middle ground para mapag set ng realiastic financial support for both parties. Not sure kung sa Barangay or DSWD dapat pag usapan kung gusto ninyong maging black and white ang lahat.
Momsh required po tlga na sustentuhan nya mga anak nya dun sa una. If hindi nya gagawin yon pwede sya makasuhan. Regarding nmn sa pagpopost ng partner mo. Open mo sa kanya yan para aware sya. Pagusapan nyo ng ayos yan habang maaga pa. Baka mas lumala kaag kimkim mo yan.
Kasal ba kayo ni mister? Ganun talaga kaylangan nya mag sustento sa mga bata, karapatan un ng mga bata. Hangat wala pa sila sa legal age. Kung kasal kayo dapat mas malaki ung sayo ska kay baby mo.
Oo sis. Slmt
Kailangan talaga mag sustento s mga anak. At wag ibuhos ang galit s anak ng asawa mo wala silang kasalanan
Kung hindi magsusustento ang asawa mo sa anak nya kahit pa walang wala na sya pwede syang makasuhan dahil obligasyon nya mag sustento
Anonymous