I NEED ADVICE PLEASE.

Hello mga sis, Share ko lang po kase gulong gulo nako. Hindi ko na alam. So 2 years na kami ng bf ko, Last year lang kami nagsama. May history nadin siya ng cheat nung mag bf/gf palang kami nung panahong wala pa kaming baby. Hindi lang isang beses kundi marami. F*ckboy siya dati, Kung sino sino inaano nya lalo na kapag inuman at may kasamang babae. Kahit one night stand go sa kanya. Yun yung mga panahon na single pa siya at wala pako sa buhay nya, Nagbago ang lahat nung nagsama kami. Although may awayan na nagaganap, Tampuhan, Selosan pero hindi parin nawawala yung pakikipagsama nya sa mga tropa nya lalo na kapag inuman. One time nagyaya yung kaibigan nya over night swimming, Dapat isasama nyako pero natutulog ako nung time ba yun. Mga 10pm then nagalit siya kase minsan nlng daw yun, Then naligo siya humingi siya ng 100 sabe bibili lang daw siya ng makakakain almost 2 hours na wala padin siya then nalaman ko nandun sa tropa dumiretso sa swimming. Mga 12 pm nag online siya nakigamit siya sa cp ng tropa nya alam ko kase tinadtad ko siya ng chat nun. Then pinuntahan ko siya, May mga babae at lalaki na nandun. Syempre ako galit na galit, sabe nya " wag kang gagawa ng eskandalo dito " eskandalosa kasi akong babae. War freak kumbaga, Eh kaya lang naman po ako pumunta dun para pauwiin na siya kase anong oras na din po nun mag uumaga na. Pinipilit ko siyang umuwi ayaw nya hanggang dumating sa point na " pag di ka tumigil malilintikan ka sakin " then ayun hinampas nyako ng tsinelas. Tas ako hindi ko na napigilan yung galit ko. Pinahiya ko siya, Then hindi na siya nakapag pigil hinampas nya ako ulit sa harapan ng mga tropa nya, Kinalmot ko siya then eto na nga nag aawatan mga tropa nya kase nagbubugbugan na kami. Ayaw nya magpatigil sinuntok nyako sa mukha natumba ako, Madulas pa nmn yun. Di ako umiyak kahit naiiyak nako, Ilang beses nyakong sinuntok nun. Lumabas kami dun kami nag away, Sabi nya " Umuwi na tayo! Bugbog ka sa bahay mamaya pagdating natin tanginamo ka ah " then yun ayoko umuwi hinihila nyako sumakay sa tricycle. Ayoko, Then ayun na nga sinuntok nya ulit ako sa Mukha tumalsik na naman ako, yun yung super sakit na suntok na nagawa nya sakin. Hanggang ngayon di ko padin nakakalimutan yun. Hindi ko din sinasabe kela mama yun, pero natrauma ako don. Lumipas ang ilang oras na puro away kami dun sa swimming ng tropa nya, Then sabe ng tropa nya " suyuin mo na kase pre babae yan eh dapat di mo sinasaktan " and then ayun pumunta kami sa isang sulok. Hanggang nagsorry siya, Na ichachat naman nyako para papuntahin dun bakit inaway ko pa siya. Almost 2 hours nyako pinagantay bakit 12 pm pa siya magchachat? And hindi nmn nya talagako chinat nun kase gamit ko fb nya nun nung time na yun tinitignan ko kung online siya baka kase nasa comshop lang. Then ang unang chinat nya is yung tropa nya " Pre bakit wala ka dito? " yun ang chinat nyang una kesa sakin. Dahil martir ako at mahal na mahal ko siya pinatawad ko, Dumaan ang mga ilang araw nagbago siya. Nambubugbog na siya, Nagdadabog kapag nagagalit. Dumating sa time na sinisira na nya mga gamit na binili ko sa kanya " Sisirain ko talaga to tangina mo para hiwalayan monako " yun lagi sinasabe nya. Ilang months ganon yung sitwasyon namin, AWAYAN, BUGBUGAN,BATUHAN,HIWALAYAN then ending ganon padin. Then etong mga july this year 2019 nalaman kong pregnant ako, Sabe ko ipalaglag natin dahil ayoko pa hindi pako handa sabe nya " WAG " ipaalam ko nalang daw kay mama na buntis ako kung di ako tanggapin okay lang daw kase kaya naman namin mabuhay magisa. Then tinanong ko ulit siya sabe ko " Ipalaglag nalang natin kaya? Sa tingin mo? " then sabe nya " Ikaw bahala! " pero hindi ko pinalaglag, Then dun siya onti onti nagbabago. Hindi na nyako nasasaktan physical, lagi nalang siya sa computer nya busy. May sarili kaming mundo, Ako sa cellphone siya naman sa computer. Wala kaming bonding sa isa't isa. Hindi nadin siya nasama sa mga inuman basta lagi nalang siya sa computer nya. Hindi nmn siya natulong sa gawaing bahay kahit buntis nako, Dati kase ako sa hugasan, Linis ng bahay, Paglalaba siya kakain lang at hihiga. Until now ganon parin, Kapag nagugutom ako wala siyang ginagawang paraan busy siya sa nilalaro nya. Hahayaan nyang mamatay ako sa gutom kase busog naman siya. Ngayon nalaman ko na may Second account siya, Ginagamit nya daw yun sa laro nya kapag nakikipag transact/palitan yun ang sabe nya hindi ko alam kase wala naman akong pake sa nilalaro nya. Yung main account nya alam ko pero minsan nalang siya mag open, And magkasama naman kami kaya komportable ak o. Mga sis hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung dapat kobang alamin yung dummy account nya na yun or wag na.. Ngayon ko lang po kase nalaman yung tungkol sa dummy account nya dahil nanghihingi siya ng mga fb ko na mga olds na mga jejemon days. Sabe ko " anong gagawin mo para san ba? " ilang araw nya na kase akong kinukulit dyan. Then sabe nya ipang tatrade nya daw sa points na nilalaro nya so bale 1 fb = 300 points. Then binuksan ko fb nya yung main account then wala naman ako nakita na kausap nya na tungkol sa laro nya or dun sa fb na magpapalitan tas sabe ko " Wala ka naman ka chat ah? " then di siya umimik. Ngayon po ay kinakabahan ako, Hindi ko na ngapo alam kung tama papo yung ginagawa ko kasama siya... Alam nadin po nila mama na buntis ako, And ang gusto po nila ay kausapin ang bf ko. Pero ayaw ng bf ko makipag usap sa kanila dahil may bad background po kami dati sa family ko nung mga panahon na ayaw ng mama ko sa kanya at nakuha pa ni mama na ipabrgy siya para hindi na kami magkita. Pero ngayon tanggap na siya, pero siya di kopo alam kung nahihiya kela mama..

86 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

I suddenly saw your post and read it. Sobrang di ko maimagine yung feeling na ganun and I felt sad knowing na may mga ganito talagang mga tao. For me, be brave to raise the child alone rather than being with your bf. Di ka lang physically pero pati emotionally nakakasakit siya. 😢 Please stay nalang with your parents. For sure di ka nila masasaktan and konting tiis lang.. Once lumabas si baby, lahat ng nararamdaman mo ngayon ay mapapalitan ng kasiyahan so please don't consider aborting the baby. It's one of the best gift. Praying for you and your baby. God bless. 🙏

Đọc thêm
Thành viên VIP

Sis sorry to say pero toxic na yung relationship ninyo, its nice to hear na pinili nyong buhayin yung baby nyo. Pero ung takbo ng pang araw-araw nyong buhay dalawa mag live in hindi na sya healthy. Dun sa part na nabugbog ka nya sobrang mali yun kung ako babae hihiwalayan ko na yan pero may mali din sa part mo na ipinahiya mo sya sa tropa para mo na din tinapakan ung ego nya. I think need mo na magdecision kung ano sapalagay mo makakabuti sainyo ni baby. Wag na wag kana ulit papayag na saktan ka nyan hindi natin deserve yun. Pray ka lang lagi sana malampasan mo lahat ng problems mo ngayon 🙏

Đọc thêm
5y trước

Nagalit po ako nun kase pinapauwi ko na po siya nung time na yun ayaw nya pong umuwi kaya nakapag eskandalo po ako nun then umabot nmn sa point na bigla nyakong hinampas ng tsinelas nya sabe nya " pag di ka tumigil malilintikan ka talaga sakin " ako naman hindi nakapag pigil ng galit kase pinapauwi ko na nga siya nun at siya patong galit eh iniwan nyanako at pinaghintay ng 2 oras

HIWALAYAN MO NA!. Period Binasa ko tlg kahit kahaba haba keento mo Naawa ako na gusto din kitang iuntog ... tanga tangahan lng? Una palang na binogbog ka hiniwalayan mo na dapat.... girl naisip mo sana madaming dina virgin na nakahanap ng masnagmahal sa kanila. Cguro first bf mo xa at xa naka una sau kaya d mo xa mahiwalayan dati...d na ung excuse na magbabago siya sa panahon ngaun.... nako nag init tlg ulo ko hahaha peace ah Dbale may mga susurpota sau at sa anak mo alam mo na kung sino ... Parents mo... magagalit sila pero d ka matitiis lalo na ung magiging Apo nila

Đọc thêm

know ur worth as a woman d k pinalaki ng mgulang mo pra sktan lang at lalong pabuhatan k ngkamay omg.iniiwan ang ganyang lalaki lol!mdmi pang tao s dagat mkkhnp k ng krpatdapat sau.tell to ur mama n pregnant k xa ung taong e embrace sau ngaun mo kelangan ng pamilya mo not ur jowa.d k nga sinsktan physically emotionally nman bwl s buntis ang ma istriss maawa k ke bb mo;)i know d madaling kalimutan ang pag ibig pero sis bawal n ang martir ngaun lalot me bb kn s tummy mo xa ang gawin mong inspirasyon pra kalimutan ang taty nia.blessing ang bata.pray din to have more strength

Đọc thêm

Hmmm.. matanda kana mamsh alam mo ang sakto sa mali wagkang magpakamartyr physical harassment yan soft pa siya kasi buntis ka aabot din yung araw na babalik yang attitude nya mas maganda na bumalik ka sa parents mo kas they know whats the best for you. Iniisip mo yung future ng anak nyo walang tatay? Mas better pang walang ama kaysa ikaw yung kawawa👍 Anyways its up to you kung susundin mo man o hindi yung advice kasi meron talagang mga tao bulag sa pagmamahal. Nagsisi nalang sa huli kapag grabe na yung ginagawa. ITS NEVER TOO LATE TO CHANGE.

Đọc thêm

Momsh hiwalayan mo na yan. Nagawa ka na saktan niyan. Tingin mo ba paglabas ng baby mo di kayo sasaktan niyan? Volatile ugali niya, delikado kayo ng baby mo jan. Tapos nagdududa ka pa na baka niloloko ka. Nakakaloka. Physical and emotional abuse na yan eh. Ngayon ngang buntis ka di ka maalagaan eh. Imagine na lang pag nanganak ka na. Baka pati sanggol saktan nyan pag naingayan sa iyak ng baby. Save yourself and your baby, please lang umuwi ka na sainyo. Hindi worth it yung ganyang klaseng lalaki and relasyon. Maawa ka sa magiging baby mo.

Đọc thêm

Ako, iniwanan ko na yung ex ko, same na same tayo ng sitwasyon nuon, wala siyang ibang mundo kundi COMPUTER AT BARKADA, INOM. Sinasaktan din niya ako napakatinding pananakit, nambabae din siya. Napagdesisyunan ko siyang hiwalayan nung may nagpayo saking propesor ko na "kapag ang asawang lalake ay hindi na nakakatulomg sa iyong paglago bilang babae, iwan mo na." At pinagdasal ko kay Lord na bigyan ako ng lalakeng magmamahal sakin ng totoo, binigay sakin ni Lord ang lalakeng pinagpray ko, more than what I prayed for.

Đọc thêm

sorry sis ha, dun s pinagsusuntok k nya nagawa mo syang mapatawad tpos njng nalaman mo ung dummy account nya dun k nag isip n hiwalayan sya.. sis the fact na pinaglapatan k nya ng kamay at hnd lng basta lapat ha sinuntok k nya ng ilang ulit dpat dun p lng iniwan mo n sya sis.. wlang cnuman ang may karapatan n saktan k, sure ako sis hnd yan magagawa sau ng tatay mo or kapatid mo. sya p kya n bf mo p lng.. iwan mo n sya sis kc bka kya hnd k lng nya masaktan ngaun kc buntis k, pano kpg nanganak k n sis? dba

Đọc thêm

Ganito lang kaismpLe yan! MaghiwaLay na kau 😊 waLa ng Love sa paGsasama nyo.hindi kau masaya parehO so anO pa pinagLaLaban nYo.hindi ka Lang jinojombaG ngaun nyan. Kc buntis ka.pro isipin mo unG hindi ka aLagaan. MaY gad 😱 love ur seLf waG uto-uto. Iwan nayan. At qnG sakaLing magawa mong iwan. Baka gamitan ka Lang ng magic word bumigay ka agad. Pabayaan mo xanG aLamin qnG anO ba taLaga gusto nya sa buhay. Basta sa ngaun kitanG kita waLa na xanG Love at ndi na kau masaya 😊 face d reality sis 😊

Đọc thêm
5y trước

Sa tuwing naiisip ko yan mamsh hindi ko mapigilang hindi umiyak 😭😭 kase pinaglaban ko siya sa mga parents ko and eto lang pala ang mangyayari sakin. Sinuway ko parents ko dahil sa kanya 😭😭

Girl. Build yourself. Wag mo na kalkalin dummy account nya. Kung sana talagang right person sya, dapat alam nya yung dapat at di dapat. Kung may onting pagkakamali pag usapan nyo at turuan mo. Wag ka nagtitiis sa ganyang lalaki. Much better nang single mom kesa nagtyagyaga sa ganyang baliw. Don't settle for less. Mas gaganda at magiging blooming ka pa kung anak mo lang iniintindi mo at no stress. Don't look for a trash because you'll only find trash. Karma will do

Đọc thêm