I NEED ADVICE PLEASE.

Hello mga sis, Share ko lang po kase gulong gulo nako. Hindi ko na alam. So 2 years na kami ng bf ko, Last year lang kami nagsama. May history nadin siya ng cheat nung mag bf/gf palang kami nung panahong wala pa kaming baby. Hindi lang isang beses kundi marami. F*ckboy siya dati, Kung sino sino inaano nya lalo na kapag inuman at may kasamang babae. Kahit one night stand go sa kanya. Yun yung mga panahon na single pa siya at wala pako sa buhay nya, Nagbago ang lahat nung nagsama kami. Although may awayan na nagaganap, Tampuhan, Selosan pero hindi parin nawawala yung pakikipagsama nya sa mga tropa nya lalo na kapag inuman. One time nagyaya yung kaibigan nya over night swimming, Dapat isasama nyako pero natutulog ako nung time ba yun. Mga 10pm then nagalit siya kase minsan nlng daw yun, Then naligo siya humingi siya ng 100 sabe bibili lang daw siya ng makakakain almost 2 hours na wala padin siya then nalaman ko nandun sa tropa dumiretso sa swimming. Mga 12 pm nag online siya nakigamit siya sa cp ng tropa nya alam ko kase tinadtad ko siya ng chat nun. Then pinuntahan ko siya, May mga babae at lalaki na nandun. Syempre ako galit na galit, sabe nya " wag kang gagawa ng eskandalo dito " eskandalosa kasi akong babae. War freak kumbaga, Eh kaya lang naman po ako pumunta dun para pauwiin na siya kase anong oras na din po nun mag uumaga na. Pinipilit ko siyang umuwi ayaw nya hanggang dumating sa point na " pag di ka tumigil malilintikan ka sakin " then ayun hinampas nyako ng tsinelas. Tas ako hindi ko na napigilan yung galit ko. Pinahiya ko siya, Then hindi na siya nakapag pigil hinampas nya ako ulit sa harapan ng mga tropa nya, Kinalmot ko siya then eto na nga nag aawatan mga tropa nya kase nagbubugbugan na kami. Ayaw nya magpatigil sinuntok nyako sa mukha natumba ako, Madulas pa nmn yun. Di ako umiyak kahit naiiyak nako, Ilang beses nyakong sinuntok nun. Lumabas kami dun kami nag away, Sabi nya " Umuwi na tayo! Bugbog ka sa bahay mamaya pagdating natin tanginamo ka ah " then yun ayoko umuwi hinihila nyako sumakay sa tricycle. Ayoko, Then ayun na nga sinuntok nya ulit ako sa Mukha tumalsik na naman ako, yun yung super sakit na suntok na nagawa nya sakin. Hanggang ngayon di ko padin nakakalimutan yun. Hindi ko din sinasabe kela mama yun, pero natrauma ako don. Lumipas ang ilang oras na puro away kami dun sa swimming ng tropa nya, Then sabe ng tropa nya " suyuin mo na kase pre babae yan eh dapat di mo sinasaktan " and then ayun pumunta kami sa isang sulok. Hanggang nagsorry siya, Na ichachat naman nyako para papuntahin dun bakit inaway ko pa siya. Almost 2 hours nyako pinagantay bakit 12 pm pa siya magchachat? And hindi nmn nya talagako chinat nun kase gamit ko fb nya nun nung time na yun tinitignan ko kung online siya baka kase nasa comshop lang. Then ang unang chinat nya is yung tropa nya " Pre bakit wala ka dito? " yun ang chinat nyang una kesa sakin. Dahil martir ako at mahal na mahal ko siya pinatawad ko, Dumaan ang mga ilang araw nagbago siya. Nambubugbog na siya, Nagdadabog kapag nagagalit. Dumating sa time na sinisira na nya mga gamit na binili ko sa kanya " Sisirain ko talaga to tangina mo para hiwalayan monako " yun lagi sinasabe nya. Ilang months ganon yung sitwasyon namin, AWAYAN, BUGBUGAN,BATUHAN,HIWALAYAN then ending ganon padin. Then etong mga july this year 2019 nalaman kong pregnant ako, Sabe ko ipalaglag natin dahil ayoko pa hindi pako handa sabe nya " WAG " ipaalam ko nalang daw kay mama na buntis ako kung di ako tanggapin okay lang daw kase kaya naman namin mabuhay magisa. Then tinanong ko ulit siya sabe ko " Ipalaglag nalang natin kaya? Sa tingin mo? " then sabe nya " Ikaw bahala! " pero hindi ko pinalaglag, Then dun siya onti onti nagbabago. Hindi na nyako nasasaktan physical, lagi nalang siya sa computer nya busy. May sarili kaming mundo, Ako sa cellphone siya naman sa computer. Wala kaming bonding sa isa't isa. Hindi nadin siya nasama sa mga inuman basta lagi nalang siya sa computer nya. Hindi nmn siya natulong sa gawaing bahay kahit buntis nako, Dati kase ako sa hugasan, Linis ng bahay, Paglalaba siya kakain lang at hihiga. Until now ganon parin, Kapag nagugutom ako wala siyang ginagawang paraan busy siya sa nilalaro nya. Hahayaan nyang mamatay ako sa gutom kase busog naman siya. Ngayon nalaman ko na may Second account siya, Ginagamit nya daw yun sa laro nya kapag nakikipag transact/palitan yun ang sabe nya hindi ko alam kase wala naman akong pake sa nilalaro nya. Yung main account nya alam ko pero minsan nalang siya mag open, And magkasama naman kami kaya komportable ak o. Mga sis hindi ko na alam kung anong gagawin ko kung dapat kobang alamin yung dummy account nya na yun or wag na.. Ngayon ko lang po kase nalaman yung tungkol sa dummy account nya dahil nanghihingi siya ng mga fb ko na mga olds na mga jejemon days. Sabe ko " anong gagawin mo para san ba? " ilang araw nya na kase akong kinukulit dyan. Then sabe nya ipang tatrade nya daw sa points na nilalaro nya so bale 1 fb = 300 points. Then binuksan ko fb nya yung main account then wala naman ako nakita na kausap nya na tungkol sa laro nya or dun sa fb na magpapalitan tas sabe ko " Wala ka naman ka chat ah? " then di siya umimik. Ngayon po ay kinakabahan ako, Hindi ko na ngapo alam kung tama papo yung ginagawa ko kasama siya... Alam nadin po nila mama na buntis ako, And ang gusto po nila ay kausapin ang bf ko. Pero ayaw ng bf ko makipag usap sa kanila dahil may bad background po kami dati sa family ko nung mga panahon na ayaw ng mama ko sa kanya at nakuha pa ni mama na ipabrgy siya para hindi na kami magkita. Pero ngayon tanggap na siya, pero siya di kopo alam kung nahihiya kela mama..

86 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

One na sinasaktan kana ng lalaki physically, that's the end of it. Yung emotional pain kinakaya natin minsan e, pero ibang usapan na ang pisikal. Kahit siguro nagbago na nga sya katulad ng sabi mo, ask him about the dummy account kung di ka mapakali. Kung sa games lang talaga yun, ipapakita nya yun. Otherwise, I guess lalo kana magdududa pag ayaw nya ipakita. Pero for me, non negotiable pa rin yung sinaktan ka nya. Yung sinuntok many times? Lalo na.

Đọc thêm
5y trước

Magkakamatayan kayo nyan balang araw sinasabi ko pareho kayong mainitin ang ulo walang pasensiya. Maghiwalay na kayo bago pa mamatay isa sa inyo

Cguro may mga babae talaga na sobra mag mahal. Aq kc sabi q pitikin lng aq ng asawa q iiwan q talaga kahit nong ala pa kaming baby. Qng feeling mo na di ka napapahalagahan at di nakkita ang worth mo advice q is itigil mo na. Mas lalo kang ma sstress pag labas ni baby lalo nat sabi mo ikaw lang mag isa sa mga gawain sa bahay. Umuwi ka na lng sa Mama mo tanggapin ang mga "i told u so" at subukan mong magbagong buhay pra sa n u ni baby.

Đọc thêm

Ate sis mas hinahabol mo pa yung pagdidiskubre ng dummy account nya kesa dumiskubre ng paraan para hiwalayan yung hinayupak na lalakeng yan! Sa panahon ngayon practical na dapat. Humanap ka ng taong magiging katuwang mo sa buhay hindi yung kukuha ka ng taong magiging pasanin mo habang buhay... Mapag-iiwanan ka kung palagi mong pupulutin yung batong ipupukpok mo sa ulo mo! Naimbyerna ko sa kwento ng buhay mo. Layasan mo na yan! 🤬

Đọc thêm

Nasarapan ka ata sa jombag ng jowa mo sis at nakuha mo paring mag stay sakanya. Dun palang sa awayin ka nya sa harap ng tropa nya pambabastos na yun, what more pa suntukin ka sa harap nila. Base palang sa kwento mo ang sakit na ata ng jombag na yun. Wag magpaka martir sis. Self respect din para sayo lalong lalo na sa darating na baby mo. Ikaw lang makakapag decide king ano tamang gawin. Godluck nalang sa baby sis...

Đọc thêm

Maghiwalay nlang po kayo kesa makalakihan kayo na ganyan nung bata. Sana noon mo Pa naisip na hiwalayn sya.. Ayaw naman pla ng parents mo.Tsaka kung nahihiya sya.. Edi sana mag papakita sya ng respeto sa family mo, humarap sya dun. Mas nakakahiya na kakausapin sya tas hindi sya magpapakita?.. Anung klaseng tatay yan? Dapat mas busog ka kesa sa kanya pero wala syang paki..... Pagisipan mo din kasi kawawa si baby. ☹️

Đọc thêm

Parihas kasi silang mapride walang gustong magpakumbaba, sana pag galit yung isa manahimik na lang yun isa para di nagsasabay ang init ng ulo nio, hanggang walang gustong magpakumbaba sa inyo walang patutunguhan relasyon nio, grabe mag bf/gf palang nagkakasakitan na kung ako yan hiniwalayan kuna yan, tang na tatay ko nga di ako sinasaktan tapos bf ko palang sinasaktan na ko baka magkapatayan pa kaming dalawa...

Đọc thêm

Kawawa talaga ang bata sa away ng magulang. Alam nyo po pangit talaga ung mag bf/gf palang kau pinagbuhatan kna ng kamay.. kami ng asawa ko since day 1 di ako nakatikim ng kaht anung sakit sa kanya.. normal lang ang away mag asawa pero pag ganyang pagbuhatan kna ng kamay...naku malabo sakin na magtatagal ako..pagdasal mo nalang po. Kc ikaw po ang nagmahal ee. At wala kami sa sitwasyon nyo.

Đọc thêm

Sorry momsh Ang toxic NG relationship niyo 😅 mas ok Kung pag usapan niyo Yan bago lumabas anak niyo. Syempre may bagong buhay n kayong aalalahanin at kailngn mapalaki ng maayos Kung Baga my responsibilidad n Kayo as parents and syempre Kay Lord.. pero para parin kayong mga batang nag sama n d Alam san papunta.. mgging kawawa anak niyo Kung ganyang environment ibbgay niyo sa knya. .

Đọc thêm

Sis.. di maganda sa relasyon yung ganyan, kung sa tingin mo di na healhty yung relasyon nyo tama na.iwan mo na ndi na uso martir naun, unahin mo sarili mo at ung pinagbubuntis mo.. kayanin mo ng wala sya kesa andyan nga sya pero parang wala dn, kung willing tlg magbago yan e ipapakita nya sayo ipaparamdam nya at patunayan nya talaga.. Maghanap din sya work para sa future nyo

Đọc thêm

Kung gusto mo talagang magbago yan, wag kang magpa abuso. Na kada sorry, kada suyo oo kana agad pero naiintindihan naman kita kasi mahal monga. Kaso, ung tiponv dumating na kau sa point na binubugbog kanya? Dina tama yon e. ipakita mo sakanya na kaya mo kahit wala sya, try mo bigyan sya ng lesson para madala. Kasi kung mahal ka naman nyan, dika matitiis nyan.

Đọc thêm