18 Các câu trả lời

VIP Member

Yung ferrous sulfate po ay d para sa uti. Para sa dugo po un. Naghahati na kayo ni baby sa dugo mo kaya dapat kang uminom ng ferrous. Yung amoxicillin ay antibiotic para mawala ung uti nyo. Kung ayaw nyo po pagkatiwalaan ung ob nyo, sayang naman po ung binayad nyo na doctor's fee. Sa susunod na check up po, sabihin nyo po lahat ng dumabagabag sa isip nyo. Partnership po ang pagbubuntis. Ikaw at ung asawa mo, ikaw at ung baby mo, at ikaw at ung ob mo. Mas maaapreciate po ng ob nyo kung sasabihin nyo yan sa kanya kesa ooo po kayo sa harap nya tapos pagdududahan nyo po sya pag uwi.

True... Nakakalungkot minsan pag ganito. Hindi nmn lahat ng katawan same. Better safe than sorry.. Hindi nmn masama mag Sabi n ayaw mo ng antibiotics sa Dr. Para malinaw din sayo bkit k pinag antibiotics. Nakaka awa Po mga baby n ncoconfine because of sepsis dahil sa katigasan ng ulo ng mother umakyat Kay baby Yung infection. .

VIP Member

Okay lang yan momsh wag ka matakot. Trust your OB. Hindi nya naman irereseta yun kung d okay. Nung preggy din ako ganyan natakot din ako for my baby napagalitan tuloy ako ni OB kaso ayoko sana mag take dahila alam kong matapang yung nireseta nya🤣 inom ka nalang muna ng meds tas pag naramdaman mong mejo okay na stop mo na tas mag buko ka. As of now mag depend ka muna sa meds kasi kailanagn mamatay nung bacteria kasi pag lumala yan si baby kawawa.

TapFluencer

Sis d naman nagrresita c OB ng nkkasama sayo pwera nlng kung may hindi ka nasabi sa kanya na pwedeng magtrigger ng masama sa health mo. Ung mga OB ngddepende kc sila sa labtest (if available) natin at sa mga statement natin kung anu ung mga narramdaman natin sa katawan. Kaya importante sabihin sa kanila lahat ng narramdaman natin. If nag-aalangan ka talaga, maari mo naman itanong ulit sa OB mo for your assurance and comfort sa feelings mo.

Sis kung di ka komportable sa ob mo, palit na. Kase ang alam ko ang mga ob gaya ng ob ko ineexplain lahat ng nireresetang gamot sa akin. And ob yan alam niya ang mga harmful na gamot sa baby. Edi sana nawalan na siya ng license kung nagrereseta siya ng ikakapahamak ng baby. Sana tinanong mo na lang sakanya nung magkaharap pa kayo. Ang dalang ng ob sa app na to, and mostly sa mga mommy dito nagrerely din sa mga ob nila.

na resitahan din ako sis nung 8 weeks c baby ng amoxicillin.. ininum ko for 2weeks, 3* a day sia.. mtaas kasi infection ko, sinunod ko nlg advice ni doc. kasi ung infection kasi pwedeng maging cause ng miscarriage.. sa next test ko, konti nlg infection kaya water therapy nlg ako.. sabi kasi ni doc, lahat naman ng nireresita nila, safe naman sa baby,😊

Kung wala po kayong tiwala sa OB niyo wag nalang po kayo magpa check up. Wag niyo naman sana maliitin yung professional health provider niyo po. License po sila and di ka ipapahamak nila. Kung di mo susundin yung prescribed timing and dosage ng gamot useless lang din di ka gagaling niyan. Pag lumala pa yan ikaw and baby mo mahihirapan.

Kung nag aalangan ka po sa prescribed ng OB sana dineretso nyo sya tungkol sa concerns mo pra naexplain nila ng maayos sayo. Mga mommies ang nandito, hindi po professional doctors. Yung nag reseta sayo doctor yun. Sa doctor wala kang tiwala, pero dito mataas tiwala mo?🙄 Wag ka magtake ng antibiotic, kawawa baby mo sayo

VIP Member

kung mataas na yung bacteria sa ihi mo, need mo sundin ang nireseta ng doktor sayo kesa magsisi ka sa huli. di nagbibigay ang ob ng di safe sa baby. mas mahirap kung di mawala uti mo, samahan mo na din ng more on water at buko. isipin mo baby mo at pinayo sayo ng ob.

sakin nga nireseta cefalexin anti-biotic hindi ko ininum, una kasi hindi pa sanay uminom ng gamot nga vitamins lang iniinom ko, pangalawa 2months palang yun agad niereseta kaya nagalala ako sabi ng ate ko wag daw yun kasi 500mg plus 3x a day sya

gnyan din po nireseta skn mam for uti pero ferrous lang po ang iniinom ko kasi need daw po talaga ang ferrous kasi para sa dugo ntn. more tubig lang mam at iwas po sa maalat.

Ano po ung vitamins nyo na may kasamang ferrouz

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan