nauntog anak ko. slightly in panic mode.
mga sis, nauntog ang super likot kong 17month old. before 530pm nangyari. lilinisan ko na siya to get ready for bed. buhat ko siya then nilapag ko sa bed siya namang tayo at dive sa kama, nauntog siya sa wall. may nakalagay naman na foam na parang wallpaper sa pader pero cyempre worried ako. grabe iyak nya at nagred yung mid forehead nya. literal na buhat ko agad siya at tinapat ko sa electric fan para maging komportable. wala ako ice kaya cold water at bimpo ginamit ko sa noo nya. 3mins siya umiyamk tapos sumandal sakin. ang sakit mga sis. ramdam ko yung untog nya parang nasaktan din ako. inaliw ko muna siya at nanood kami ng cocomelon para pampakalma din sa kanya at sa akin. inobserve ko naman siya, responsive naman, straight naman maglakad, tumatawa, sumusunod ng tingin, naglalaro but clingier than usual. naalala ko sabi nila dati wag daw patulugin pero may nabasa din ako before na kapag bata at talagang inantok ok lang. bedtime nya na ng 6pm. held back as much as kaya ko kaya lang talagang antok na siya at nakamilk na din kasi. kakatulog lang. hoping na ayos lang siya kasi talagang worried ako. praying for the best.
Tired but happy mommy