pops
Mga sis ? kinakabahan po ako baka kung ano yun kakapops ko lang po tapos subrang tigas ng pops ko iniri ko ng kunti kasi natakot akong umiri ng malakas baka lumabas baby ko tapos subrang sakit ng butas ng pwet ko pag tingin ko may dugo na yung cubicle daming dugo tyaka tumutulo pa kinapa ko pem2 ko pinasukan ko ng isang daliri baka pem2 ko yung dumugo pero wala namang dugo nung pinasukan ko ng daliri. Ano po kaya yun? ?? dami ko namang iniinum na tubig tyaka puro sabaw naman inuulam ko tyaka veges bat po antigas parin ng pops ko? Any advice po medyo kinakabahan 1st time mom 10weeks and 6days po akong preggy
May almuranas ka na mommy. Thats normal while preggy pero mawawala din yan pagkapanganak mo. Advice ko lang dont strain too much baka lumala almoranas mo. Constipated ka na siguro. Kain ka fruits and inom ka water before breakfast. Yung sugat sa anus mo , bili ka faktu ointment safe yun sa preggy. After pupu mo ipahid mo sya para di lumala at magsugat hemorrhoids mo.
Đọc thêmNangyari na sakin yan. 30mins ajo nakaupo sa trono kala ko manganganak nako yun pla poops lang. Matigas lang sya na dumi. Sb ng midwife ko mejo bawasan pagkain ng karne, puro gulay at prutas madalas mong kainin. Kung gusto mo gumamit ka ng suppository, sinasalpak yun sa pwet para lumambot yung dumi. Mawawala din yan, 😁
Đọc thêmGanyan din nangyri sakin mommy last time. Sobrang hard ng poop ko then my konting blood. Punta agad ako ER thank God dahil nga lang sa constipation. My binigay sakin suppository and laxtive. Then prune juice sis super effective. Problema tlaga natin mga preggy yan. But its okay magiging ok din lahat ☺️
Đọc thêmKain ka neto super effective. 6 days di ako naka poop. I was worried kaya sabi ni OB bili ako ng PRUNE. Either ito dried fruit or yung juice. Try to check this sa imported goods section ng supermarket. Mejo may kamahalan lang 600 pesos but worth it. Di mo na kelangan umiri para mag bawas.
Ganyan din ngyari skin neto lang sis grabe din naging worried ko kaya napatawag agad ako sa ob ko nag prescribe sya skin ng senekot and suppository para lumambot yung dumi, yung blood nman dahil sa almuranas. Hangang ngayun nakakapa ko na meron ako almuranas pero hindi naman na sya nag dudugo
Wala naman po akong almuranas 😭
Momsh dahil din po yan sa gamot n iniinom ntn.. Like ferrous,inom ka lng madaming water. Problema talaga ntng buntis yan. Nangyari din sakin yan 😔 pero di nmn msyado mdming dugo sign dw yan ng pagkakaroon ng almuranas 😣😣😣
Nangyari din po da akin kinabahan ako kasi may dugo. Nag punta me agad sa OB ko may niresita nag amot para sa buwit ko dahil may hemorrhoid na dumugo. Tapos advise ni doc drink Prune juice po.
Kain ka sis ng pinya at papaya. Pwede din pineapple juice. Ganyan din nangyari sakin last time. Sabi ni OB, iwas daw muna sa banana at apple kasi nakakacause sya ng constipation
Oo nga sis. Yan mga struggle nten. Magpoop lalo. Hehehe
Ganyan din sakin. Hirap din ako magpoop dahil mtigas. Try mo inom ng nesvita or yung my fiber, oatmeals ganern. Tapos more water sis. Pero kung dk sure ask kna lang sa ob mo.
baka may nagasgas sa daanan ng poops mo sis dati ganiyan ako pag matigas talaga tapos parang may tumutusok. pero di naman po madami yun dugo.
Mumsy of 1 baby angel and 1 rainbow baby