Hi mga sis, first time preggy here. Now lang po ako kapag file ng SSS Maternity Notification ko and I am already at my 19 weeks of pregnancy.
Sabi po ng HR namin baka daw ma-late filing na ako, meaning po BAKA DAW HINDI NA MAAPPROVE ang SSS Maternity Notification ko. Ibig sabihin po wala akong makukuhang benefits sa SSS kapag nanganak na ako. Ang rason ay dahil lang late na daw ako nag file ng Maternity Application ko. Ang tamang pagfi-file daw po is from the time na may positive transV result ka na until maximum of 3rd months lang ng pregnancy (12 weeks).
I admit at some point may mali ako, kasi I should ask. Pero since first pregnancy ko po ito ang dami ko pang hindi alam. Ang akin lang parang unfair naman kung hindi nila igrant yung maternity benefits ko, active payer naman ako and Contributor ng SSS mula pa nung nag katrabaho ako. Parang hindi naman po tama kung hindi nila igrant yun diba po..?
Meron na po bang naka experience na dito ng late filing of SSS Maternity Application and ano pong nangyari? Please give me advice naman po kung ano ang mga requirements and if may sample po kayo ng proseso. Nakakastress po kasi toh eh.. I felt really bad. ? ? TIA.
Anonymous