14 Các câu trả lời
Ako naman nabuntis ako ng iba , hindi ko alam sino ama kase nag hiwalay kami ng partner ko .. hindi ko matandaan sino naka buntis sakin kase nag work ako sa Puerto kung saan babayaran ka tapos ayun nga .. nagulat ako hindi pako dinadatnan.. yung partner ko pala may asawa at anak , kasal sila kaya nakipag hiwalay ako nagpaka layo layo ako.. Dumami pera ko at nakatulong sa kapatid at pamilya , kaso wala pang isang buwan dapat magkakaron na ako , hindi padin ako dinadalaw.. sabi ng friend ko mag try ako PT , ako naman malakas loob ko kase akala ko baog ako at hindi magkakaanak , kase 1 year mahigit kmi nag sama ng partner ko binahay pa ako .. tapos kada mag sex kmi lagi sa loob nya pinuputok kase gustong gusto nya magka baby kming dalawa kaso hidni nangyayare.. so ayun lagi na akmi nag tatalo at away , hanggang sa nilayasan ko sya at nag punta ko puerto . yun nga after namin makabili ng PT ng gabi , kinabukasan ginamit ko agad.. laking gulat ko kase nag positive (dalawang guhit) akala ko baka expired lang ung pt , bumili ulit ako ng 2 ayun (+) parin nalabas.. nalaman ng manager ko (mamasang) sabi nila pagisipan ko mabuti pero lahat sila nagsasabi naipalaglag kona lang daw ganun.. Hanggang sa ayun lagi ako may nagiging client hindi matuloy tuloy ung pagpapalaglag ko , hanggang sa sinabi ng mamasang ko na umuwi muna ako samin (cavite) dun nalang daw ako magpa laglag . sa totoo lang hindi ko talaga kaya , ang mas masakit pa dito nag open ako sa pamilya ko na ganito ganyan buntis ako diko alam sino ama .. Sabi din nila ipaalis kona alng daw .. nasa point nako na gusto kona lang mamatay , naaawa ko sa anak ko , sabi sakin wag muna ako babalik ng puerto hanggat diko pa ito napapalaglag.. Sobramg sakit para sakin.. hanggang sa nag meet kmi ng Ex ko (partner ko ) nag sabi ko baka may kilala syang marunong magpalaglag ganun ganun diko na alam pinagsasabi ko nun.. hanggang sa nag taka sya bakit ako angtatanong ng ganun , hanggang sa inamin kona , sabi ko hindi ko alam sino ama at gusto nila ipaalis ko ito , sabi nya bakit ba ako kailangan mag work sa ganun ,sabi nya kung ano man mga kailangan ko sya mag pupuna nun.. sobrang bait ng partner ko , dun talaga ako nahulog sa kanya , never ko syang pinerahan o ano.. Kung wala syang pamilya at anak , malaya kami .. at sabi din nya sakin "Yan na yung pinapangarap natin , meron kana makakasama pag alis ko , balik kana sakin , ako magpapaka ama sa anak mo hindi ko man yan anak o hindi man yan galing sakin , ituturing ko yan na buong buo at tunay na anak , ako magpapaaral lahat ng pangangailangan mo ako lahat gagawa , wag mo lang yan papatayin o ipapalaglag , kasalanan yan sa Diyos , Please makinig ka sakin " Sobra akong na touch at halos sa dami kong pwede malapitan sya lang yung taong tatanggap at tatanggap ng paulit ulit sakin. Pero hindi ako umaasa na hanggang dulo kami alam ko limitasyon ko , sa ngayon Kinuhaan nya ulit ako ng matitirhan akse hindi naako tinanggap samin. kilala lang nila ako kapag may pera . Ngayon 4 months na tummy ko , at grabe kung asikasuhin nya ako .. andun parin ung love nya sa kbila ng nagawa kong kababuyan sa kanya at panloloko .. Mahal na mahal ko sya , At sya narin nagsabi ipa apelyedo ko yung baby ko sa kanya . After ko manganak mga ilang buwan hahanap ako ng disenteng trabaho hindi ko lahat iaasa sa partner ko . i judge nyo ko ok lang .. kasalanan ko lahat to 😔 ayaw ko lang mapahamak anak ko .. sobrang sakit din sa part ko na pangalawa ako at aminado ako , hindi lang ako nag iisa sa mundo marami kmi .. 😢 kaya grabe stress ko gabi gabi at may time na nalalagas buhok ko kaka isip . para sa anak ko gagawin ko lahat ng makaka kaya ko kase ito buhay ko 😔
ito ang tanong ko sayo: 1. financially stable ba kayo pareho ng bf mo? 2. Sa tingin mo ba responsableng partner/father ang bf mo? 3. Ano naman kung walang anak ate mo? hnd mo na problema yun, problema na nila mag asawa yun. Kaya wag nila idamay ung baby nyo. 4. May karapatan ang bf mo na iapelyido ang baby nyo sknya lalo na kung sya tlaga ang biological father. 5. If ever na maghiwalay kayo ng bf mo at naka epilyido ang bata sknya pwd mo sya mahabol for child support. 6. Kung ayaw mo tlaga apelyido sa bf mo ang bata, Kaya mo ba mging single mother? hnd ka din pwd mag habol ng child support if hnd naka apelyido sa BF mo. Wag mo din pagkaitan ng tatay ang anak mo lalo if hnd naman sya masamang tao. 6. wag kang magdecide pra lang sirain ung pamilyang bubuoin nyo. Kung mahal ka naman mg bf mo at good partner, provider sya bkt ka papayag na mapaglayo kayo sknya? 7. 21 ka na, kung ano man maging decision mo dapt panindigan mo. Kapag tinakwil ka ng prents mo dapat handa ka, Dapat manindigan ka sa desisyon na pipiliin mo. Kasi pano ka mag mamartured if magdepend ka lang sa family mo? 8. Mag usap kayo ng Bf mo, ask him anong plano nya? Sabihin mo sknya ung binabalak ng family mo. Pra malaman mo din kung anong dpt mo gawin. Wag ka mag decide na hnd mo sinsasabi or hnd kayo nakakapag usap na dalawa. Kasi unfair un sknya. Hnd lang ikaw ang magulang kundi kayong 2. bottom line here, wag na wag mo ipamigay ang baby mo. Naka gawa kayo ng bata dapat panindigan nyong 2 ng bf mo. Bumukod kayo.
First of all, kahit 21 kapalang po and not financially stable, wag mo po ipamimigay ang baby mo. Sigurado sa future pagsisisihan mo un kapag nakikita mo ang anak mo na ate mo ang tinuturing niyang mommy at di mo na mababawi. You wouldn't know what will happen in the future, baka ikaw naman ang di bigyan ng anak kapag pinamigay mo ang baby mo. Stick with your family members who supports you just like your mother and kuya. Wag kana po mastress, everything will be fine in the future as long as you keep your baby and you have a supporting partner. Pwede namang family muna ni partner ang mag alaga kay baby habang nasa abroad ka, that is an option as well. Di mo rin masabi, baka maging maayos din ang trabaho ni partner sa future. Wag ka matakot sa threat ng ate mu, makinig ka sa mama mo kasi naranasan nia na magkababy and hindi niya gugustuhin ipamigay kayo. Regarding the apelyido ng partner mo, ask mo partner mo kung okay lang sa kanya at siguraduhin niyong di niyo pagsisisihan ang magiging desisyon niu. Goodluck!
nalilito lang po ako iniisip kopo kung san mas mapapabuti ang sitwasyon namin ng partner ko lalo na ang baby namin ayaw korin po na ibigay ang baby ko ayaw din po ng asawa ng ate ko yun, siguro po nabigla lang ang ate ko that time kaya yun agad napag desisyonan nya and tama po kayo nasa akin parin po ang desisyon pero po ang ate ko tinalikuran naku dahil po sabi nya sakin pag pinili ko ang partner ko wala daw po ako makukuha o matatanggap ni piso saknila hahayaan daw nila ako maghirao at marealize na mali daw po ang pinili ko kaya naguguluhan ako ng sobra ang mama ko namn sabi ipaglaban ko ang nasa puso ko ipaglaban ko ang baby ko at ang partner ko ganun din po sa kuya ko dahil po baby ko namn daw yun..
Una po bakit hindi kau pede ikasal? minor ka pa ba? or may sabit si partner? Maaring nasabi ng pamilya mo na wag ipangalan sa partner mo kung sya ay may sabit kasi malaking problema yan kung sakali lalo nat hindi pa naman separated. Yun lang naiisip ko na dahilan kung bakit ayaw nila isunod sa name ng partner mo. Pero kung hindi naman ganun ang sitwasyon, wala naman problema na isunod sa name nya lalo nat gusto naman pala ni partner mo. Pangalawa, bakit naman naisipan na ibigay sa ate mo ang anak mo eh anjan ka naman. May rason ang pamilya mo sigurado kasi kung wala naman sabit kau pareho wala naman rason para ipagkait ang name at walang reason ipamigay ang anak mo.
ok sis, ikaw pala din yung nag hingi before ng advise. Wag ka na muna pa stress sa sitwasyon kaso baka makasama sa baby mo. Kung ako po tatanungin mo, kung ano sa sarili mo ang tamang gawin un ang sundin mo kasi mahirap magsisis sa huli. Kung talagang mahal nyo naman ang isat isa ipaglaban nyo ang kagustuhan nyo na ipangalan sa partner mo ang baby kasi base sa kwento mo responsible father naman sya kasi hindi ka nya iniwan ngayon lalo nat buntis ka, kasi ung iba na nababasa ko dito iniwan ng partner ng malaman na buntis si girl. Saka right ni partner mo na dalhin apelyido nya kasi sya ang tatay. At wag ka papayag na ipamigay anak mo please.
mas okay sana kung maglive in kayo ni partner as long as may stable job sya then go, pero wala sila karapatan na ilayo yung anak nyo sa inyo, at isa pa may karapatan yung tatay ng bata, isa pa kapag yan ay di nakaapelido sa partner mo di mo sya pwedeng habulin pagdating sa sustento, kung ako man ang tatanungin di ko ibibigay anak ko sa ate kong wala pang anak as long as kaya mong alagaan anak nyo sayo na lang mahirap magtiwala kahit sariling kamaganak mo pa baka magsisi ka sa huli. :)
Medyo hawig sitwasyon natin sis naiba lang kasi ayaw ipaapelyedo ng papa ko sa boyfriend ko yung baby ko pero napag isip isip ko na hindi naman ako tinakbuhan ng boyfriend ko, siya gumastos lahat simula check up, laboratory, ultrasound etc ko kaya bakit di ko ipapaapelyedo? Oo napaaga yung pag bubuntis ko kasi 21 palang ako at nag aaral ako ng 3rd year college ngayon pero deserving yung taong yun kaya kahit ayaw ng papa ko sis gagawin ko parin yung sa tingin ko tama at patas.
minor po ung bf mo automatic surname mo ang dadalhin nun according po sa family code para magamit Ng anak nyo ang surname nya need Ng parent consent dahil minor pa sya..I speak on behalf of my sister ganyan Ng yari sa kanila parehas silang 17 at sa hospital cedula at parent consent ang kailangan para sa paternity acceptance. ngaun ung pamangkin ko ay naka surname samin.
thankyou po sa mga payo nyo nakatulong po ng mabuti sakin at sa baby ko gagawin namn daw po lahat ng partner ko para mabuhay si baby para mapalaki ng maayos ganun din po ako pag kaya kona mag work wala po kase stable na work ang partner ko part time partime lang sya, ang insist namn po ang mother nya na tutulong sya sa financial namin ganun din ang kuya at mama ko
rights namn nang bf sa kanya syempre dapt ka apelyido kasi siya ang ama and if kaya nyu po both ibigay ang needs ni baby so okay magsama kayo for your peace of mind mag sabi kayu na ganon decision nyu sa family mo at family ni bf mo para respito and make sure po na kaya ni guy ang responsibility para walang ma sabi ang family nyu parang ayaw kasi nila sa bf mo.
yes sis kng revenge lng indi na cia aaku sa responsibilidad, kausapin nyu nalng c papa mo at mas maganda din na dala ni baby apelyido nang papa nya, mas piority dapt kng ano makakabuti sa baby.
Anonymous