Mixed feed problem
Hi mga sis, any advise po sa confusion ni lo sa nipple at tsupon ng feeding bottle. First 2 weeks nya po is EBF sya then nag formula milk kami the following week. Matiyaga po mother ko na padedehin sya sa bote kaya umookay naman since CS ako, minsan hirap akong umupo para magpadede. Nung umuwi si mother at kami nalang ni hubby ang naiwan, di ko na sya natrain sa bote. EBF na ulit then nung may times na need ko umalis, pinagalitan ako ni mother na bakit EBF na naman, di raw ako makakaalis kapag ganun although nagpapump naman ako. Then triny ko ulit bote, umiiyak na sya at hinahanap nya nipple ko. Any advise po like brand ng feeding bottle, training, etc? Thank you so much. God bless po