suka ng suka si baby

mga sis any advise po? lagi kasing nagsusuka si baby ng gatas minsan sa ilong pa lumalabas, tinatagilid ko siya agad once na naglungad siya para malabas lahat ng gatas na nasa ilong niya. Minsan 5 times siya nagsusuka sa isang araw. Gatas niya bonna hiyang naman siya kasi bumigat and normal naman yung poop niya. Pinapaburp din namin after niya dumede.

suka ng suka si baby
47 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan twins ko momshie, lagi kami nakabantay lalo na after nila magfeed, formula din sila. Kahit mataas na pillow nila bigla nalang lumalabas sa nose nila yung milk minsan kahit ilang oras na yung lumipas, then nagconsult me sa pedia nila then he said na until 6 mons. after that mawawala din.

Overfeeding po. After iburp wag nio po muna ihiga agad antay kau atleast 20 mins b4 ihiga. Ganyan din lo ko date pina check up ko. Tapos pinapalitan ng gatas nirecomend similac tummy care bonna user din ako date after kong pinalitan ung gatas nia ayun di na sia nag lulungad.

Ung 2nd baby ko palaging nagsusuka ng gatas pagkatapos dumede kahit nka burp na at kinarga ng hanggang 2 hrs...pagpinahiga nagsusuka ng milk...then at 3 months old na sya we found out na may Congenital heart defect sya...it would be better kung ipa check mo sya sa pedia...

5y trước

May narinig na murmur sa heart niya nung monthly check up niya...so pina 2D echo po sya...saka lang nalaman namay problem ung heart niya...although di naman recommended for operation monitor lang ung heart niya every 3 months..so far she's okey, 3 years old na sya ngayon.. Meron din pong tinatawag na Gerd baka un ung case ng baby mo after 6 months parang kusang nawawala nalang.

Baka po naoover feed mo mommy .. ipaburp nyo po lagi at orasan nalang pagpapadede.. watch out lang po kasi bka mag cause ng aspiration.,bka mapunta sa baga yung gatas kapag ganyan na nagsusuka sya.. laging taas din po ang ulo kapag magpadede ..

Minsan kahit normal yung poop and naggain ng weight possible na di hiyang. Ganyan kase baby ko tapos parang buo yung milk na sinusuka niya. Or possible rin na pag hinehele siya dapat wag sobra kase baka di natutunawan hehe

Overfeed n si baby momsh.. bawasan niyo Po or habaan interval ng oras ng pag papadede. Pag umiyak wag Po agad agad padedein check niyo Po muna Kung matgas tyan, puno diaper or my poops or gusto lng mag pakarga..

Hindi din momshie even nagburp na. May time sched. din kami sa pagfeed nila. May mga ganyang cases daw talaga. Not all. Based on my experience and you can consult in your pedia to know more about it.

Ganyan anak ko dati sa ilong lumalabas yung dinede nya eh pinag bearp ko naman sya napansin ko lang kasi sa subrang busog nya kasi yun eh Im sure ganyan dn anak mo sa subrang busog lng.

pag tpos mo padedehin padighayin mo wag mo rin bsta bsta ihiga agad kalungin mo muna khit 30second pra d sya mag suka.tska kada 2hrs. dpat ang pag papadede hndi maya maya 😊😊😊

Overfeed po or Bka mxdong mababa ang ulo pg ngdede try niu po mejo elevated as in mejo prang nkaupo po .. den bgo niu po ihiga plipasin niu muna atleast 30mins try niu lang po ..