mga sis, 2nd guessing myself sa ngayon. may nakakwentuhan kasi akong friend na mommy din. ang baby girl nya younger lang by a month sa baby boy ko. natanong lang kung di ba nilagnat si baby ko nung nag iipin. sabi ko thankfully hindi. never siya actually nilagnat kahit nung sa vaccines nya, 36.8 lang. slightly matamlay lang siya after vaccine and nung palabas ang ngipin. sabi ko yun na yung mataas na temp ni baby. usual nya mid 35 to low 36. ang comment nya di ba daw giniginaw baby ko kasi mababa ang temp, yung pedia daq nya sabi 37 maintain temp ni baby. kapag 36 nilalamig daw. sa akin naman, we make sure na nakasocks si baby lalo kapag malamig ang panahon even pajamas sinusuotan din lalo kung lalabas kami complete suot. ayaw din kasi ni baby ko ng kumot nya or madaming suot pawisin kasi and tingin ko alam ko naman kung naiinitn or giniginaw siya. pero na off ako sa sinabi kasi nug friend ko. parang nagddoubt ako tuloy sa sarili ko as a parent kung ok ako. pag check up naman ni baby never naging cause of concern ng temp nya pag kinukuha sa clinic. healthy din naman and within range ang weight. height naman mas mataas sa usual. napraning ako. dapat ba ko magworry na giniginaw si baby kapag nag 36 lang temp nya?