5 Các câu trả lời
Share ko lang din Same sa 1st baby ko 2 yrs ago, 5months palang siya sa tiyan ko nagkaroon din siya cystic hygroma at tubig na nakapalibot sa heart and lungs niya. Hanggang sa nag 6months, nagpa 2nd opinion din kami non ganun din findings. Dahil don sobrang nastress ako, iyak ako ng iyak lagi, pati sa doctor umiyak ako non habang sinasabi niya na ganun nga kalagayan ni baby. Tapos makalipas ng ilang araw may mga discharge na ko, sobrang sakit na ng puson at balakang ko, dinala ako agad sa hospital nalaman namin na wala ng HB si baby sa tiyan ko 💔😭 Napaka sakit lang na durog na durog ako 💔😭 Kaya ikaw mommy magpa 2nd opinion ka, baka naman kasi nagkakamali lang, dapat kasi sa dati pang ultrasound nakikita na yun. Basta wag mong isipin ng isipin at baka mastress ka lang din. Pakatatag ka at Pray ka lang po lagi 🙏 Btw, buntis po ulit ako ngayon 6weeks. Sana hindi na mangyari yung nangyare 2 years ago. 🙏 Dasal lang tayo palagi mga mommy na maging okay pagbubuntis natin 🙏
consult OB para maexplain anong reason bakit nagkakaroon ng ganun, mga anong pwedeng gawin, para maclarify nio lahat ng concerns at maassure kau during pregnancy and after giving birth. prayers for you and your baby. keep on praying.
Thankyou my. Opo for check up napo ako agad bukas din at kung sana makapagpa 2nd opinion din para malaman if meron ba talaga o wala. Kase 1month palang po clear naman then bigla biglang nagkaroon ng findings 😭
Ako po meron cystic hygroma ang baby ko then meron din po cyang hydrops fetalis and namatay po cya sa loob ng tyan ko 😭😭 last month po, 26 weeks po cya nun. Pray ka lang po momsh and sundin lang ang payo ni OB mo.
Hala diko po nabasa ng ayos sorry mi ikinalulungkot ko po nangyare kay baby 😔 *hugs* po.
mam pasecond opinion ka po.. kasi dapat po first tri palang nakita na po yan if meron nga po ang baby mo.
Kaya ako tlga kahit d nireco ng ob ko, nagpa cas tlga ako, prayers for you mommy and try mo ko magpa 2nd opinion 🙏🙏🙏
CAS po ba yan mommy ? di po ba kayo nagpaCAS nung ika -22 weeks niyo ? kasi po makikita po yan don .
naku miii mas nakakatakot kung dimo alam kalagayan ng baby mo. atleast sana nung 22 weeks kapa lang nasure mo na. yung hipag ko miii yung baby niya isa lang kidney ng baby niya. third baby nya yun. naappreciate niya yung CAS kasi naiready niya sarili niya at yung treatment na gagawin sa baby niya paglabas. mas mahirap yung paglabas magulat ka. or late na malaki na biglang may problema pala.
Anonymous