BREASTFEED

MGA PAMAHIIN TUNGKOL SA PAGPAPASUSO Nagpapasuso ka ba sa anak mo? Maraming beses ka na bang pinagbawalan o pinagsabihan tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pagpapasuso? Madalas talaga ay nagtatalo ang syensya at mga pamahiin sa halos lahat ng bagay. Mayroong iba na mas pinipiling maniwala sa mga matatanda, mayroon ding iba na mas naniniwala sa science. Alamin natin kung anu ano ang mga pamosong pamahiin tungkol sa pagpapasuso: 1. Kanin ang Kanan at Tubig ang Kaliwa – Madalas marinig sa mga nanay na mas malabnaw daw ang gatas sa kaliwang suso kumpara sa kanan kaya ang sabi ng matatanda, tubig daw ang nasa kaliwa. Hindi ito totoo dahil pareho ang laman ng bawat suso (nutritional value-wise walang pinagkaiba ‘yan). Mayroon lang tinatawag na foremilk o gatas na lumalabas kada mag-umpisang sumuso si baby. Ito yung malabnaw na gatas. Habang tumatagal sumuso si baby, hindmilk na ang nakukuha niya. Ito naman’ yung mas malapot na gatas. Para makuha ni baby ang hindmilk, kailangan siyang pasusuhin ng at least 15 to 20 minutes bago siya ilipat sa kabilang suso. 2. Nakakapagpalawlaw ng suso ang pagpapasuso – Ang paglawlaw ng suso ay dahil sa gravity at dahil sa pagtanda (aging) at hindi dahil sa pagpapasuso. 3. Bawal magtaas ng kamay kapag natutulog dahil baka mawala ang gatas – Hindi totoong mawawala ang gatas kapag itinaas mo ang kamay mo. Mawawala lang ang gatas kapag wala ng stimulation o kapag hindi na sumususo ang baby mo. Pwede ring maging dahilan ng pagkawala ng gatas ang stress, paninigarilyo, sobrang pag-inom, at mga gamot na hindi compatible sa breastfeeding. 4. Mapapanis ang gatas kapag matagal na hindi sumuso si baby – Hindi ito totoo dahil hindi napapanis ang gatas sa loob ng suso. Ang napapanis lang ay yung expressed o pumped breastmilk. Kaya kung matagal nang hindi sumususo si baby at may gatas ka pa, go lang mommy, hindi yan panis. 5. Bawal magpasuso kapag buntis ka dahil mag-aagawan ng sustansiya ang baby sa tiyan at ang baby na sumususo – Hindi ito totoo. Kahit na nagpapasuso ka, kakain pa rin si baby na ipinagbubuntis at masustansiya pa rin ang kakainin niya. Just make sure na kakain ka rin ng mas marami dahil dalawang bata ang nangangailangan ng pagkain mula sa’yo. Pwedeng magpasuso kahit na buntis ka basta hindi maselan ang pagbubuntis mo. Itanong sa OB ang status ng pagbubuntis dahil kapag maselan, breastfeeding is discouraged dahil nakaka-cause ito ng contractions. 6. Nawawalan ng sustansiya ang gatas ng ina – Kahit na anong kainin ng isang breastfeeding mom, hindi nun maaapektuhan ang nutritional value ng breastmilk. But please take note na kailangan mo pa ring kumain ng masustansya para maging healthy ka bilang ina. Kapag sobrang malnourished ng isang ina, pwede nitong maapektuhan ang kalidad ng gatas niya. 7. Bawal magpasuso kapag may lagnat ang nanay – Hindi ito totoo. Mas magandang magpasuso kapag may lagnat ka para makuha ni baby ang antibodies na pino-produce ng katawan mo. Magiging proteksyon ni baby ang antibodies na ‘to para hindi siya mahawa o kung mahawa man ay mas mabilis siyang gagaling. Kung iinom ka ng gamot, siguraduhing i-check muna sa e-lactancia.org ang generic name at active ingredient para matingnan kung compatible ito sa breastfeeding. 8. Bawal magpasuso kapag may tigdas, bulutong, ubo, sipon, at trangkaso – Kagaya ng unang nabanggit, mas magandang magpasuso para makuha ni baby ang antibodies. Bago pa magsilabasan ang bulutong at tigdas, exposed na si baby sa virus kaya mas magandang magpasuso para ma-proteksyonan siya. Kapag may tigdas at bulutong, magsuot ng longsleeves. Kung may bulutong sa mismong breast area, mas magandang mag-express o mag-pump nalang ng gatas at ‘yun ang ipainom kay baby. I-observe din ang proper hygiene kapag mayroon ka ng mga sakit na ito. Ugaliing maghugas lagi ng kamay, mag-alcohol, magsuot ng face mask, at iwasan muna ang face-to-face contact kay baby. 9. Bawal magpasuso kapag gutom ka o pagod dahil baka masuso ni baby ang gutom at pagod mo – Hindi ito totoo dahil hindi nasususo ang gutom at pagod. Pero kailangang tandaan na kailangan mong kumain ng maayos at huwag masyadong magpapagod para maging healthy ka. 10. Bawal uminom ng malamig. Bawal maligo ng gabi. Bawal magpasuso kapag naulanan o nahamugan ka, kapag bagong ligo ka, kapag katatapos mo lang maglaba. Bawal dahil baka masuso ni baby ang lamig at magkaka-sipon o ubo siya. – Walang katotohanan ito. Ang breastmilk ay processed na kapag lumabas ito sa suso. Ibig sabihin, mainit init na ang temperatura nito kapag sinuso ni baby kaya hindi siya makakasuso ng lamig. 11. Bawal magpa-rebond o magpa-kulay ng buhok – Pwede naman ito. Siguraduhin lang na walang sangkap na formaldehyde ang treatment dahil posible itong magkaroon ng epekto kay baby. Kapag nagpa-rebond o nagpa-kulay, huwag isasama si baby sa salon para hindi niya maamoy ang gamot. Mag-iwan nalang ng expressed o pumped breastmilk para kay baby. Mas mainam din kung palilipasin muna ang postpartum hairloss o ang paglalagas ng buhok. Ito ay kadalasang nagsisimula kapag 3months na si baby at tumatagal ng hanggang 1 year. 12. Bawal magpabunot ng ngipin – Pwedeng magpabunot ng ngipin dahil marami namang gamot ang compatible sa breastfeeding. Pwede ka nang magpabunot basta kaya mo nang pumunta sa dental clinic. 13. Bawal uminom ng kape – Pwede namang uminom ng kape pero in moderation. Huwag magpapasobra dahil mataas ang caffeine nito. Makakasama sa’yo ang sobrang caffeine at pwede rin itong makaapekto sa iron content ng breastmilk at pwedeng maging iritable si baby dahil dito. (kellymom) 14. Bawal kumain ng malansa – In general, pwede yan. Tingnan lang kung mayroong allergic reactions kay baby katulad ng rashes. Kung may history ng allergy ang pamilya sa anumang pagkain, mas makabubuting iwasan muna ito. Generally, walang bawal na kainin ang breastfeeding moms. Maging mapagmasid lang sa mga maaaring reaksyon kay baby katulad ng kabag, pagiging iritable, o pagkakaroon ng rashes. Makakatulong ang pagkakaroon ng food diary para malaman kung mayroong mga pagkain na dapat iwasan. 15. Kailangang huminto sa pagpapasuso kapag may impeksyon sa suso – Kahit na kailangan mong uminom ng gamot kapag ganito ang sitwasyon, hindi kailangang huminto sa pagpapasuso dahil may mga gamot na compatible sa breastfeeding. Makakatulong din ang pagpapasuso para hindi mamuo ang gatas sa dibdib mo. 16. Hindi ka mabubuntis kaagad kapag nagpasuso ka – Hindi ito totoo sa lahat ng pagkakataon. Magiging totoo ito kapag nasunod mo ng maayos ang mga kondisyon ng Lactational Amenorrhea Method (LAM) : (1) Wala pang 6 months si baby; (2) Hindi ka pa nireregla; (3) Puro breastmilk lang ang iniinom ni baby. Walang solid food, walang formula, o kahit anong pagkain. Ibig sabihin kailangang exclusively breastfed si baby; (4) Nasusunod ang pagsuso every 2 to 3 hours o 8 to 12 times a day, o kaya naman ay breastfeeding on demand si baby. Alin sa mga 'yan ang narinig mo na? :) SOURCE: Breastfeeding Pinays DISCLAIMER: Nasa sa inyo pa rin po kung susunod po kayo sa mga "pamahiin".

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Maraming salamat po dito!