Philhealth Indigent

Hi mga nanay's out there!? So, share ko lang yung about sa INDIGENCY PHILHEALTH OR SPONSORED PHILHEALTH!! Kapag nakapag-enroll po kayo ng Indigency Philhealth, 100% wala kayong babayaran sa PUBLIC hospital. Take note: Kahit umabot pa ng 100k yang bill niyo 0 billing pa din po kayo basta naka-INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH kayo. Example: Via CS ka, WALANG AVAILABLE na GAMOT si PUBLIC HOSPITAL na kailangan niyo ni baby. Hindi po kayo maglalabas ng pera para bumili ng gamot niyo, si PUBLIC HOSPITAL po ang magpoprovide nun para sa inyo basta naka-INDIGENCY PHILHEALTH po kayo. Kung NAGBAYAD kayo sa PHILHEALTH ng 2,400 na sinasabi nilang good for 1year, HINDI NA PO KAYO MAKAKAPAG-AVAIL NG SPONSORED PHILHEALTH. Kaya kung may kailangan po kayong gamot pero HINDI AVAILABLE SA PUBLIC HOSPITAL, kayo po mismo ang bibili sa labas ng irereseta nila sa inyo. Kaya sa mga soon to be mommie's dyan, mag-enroll na po kayo ng INDIGENCY OR SPONSORED PHILHEALTH habang maaga pa po. 1 day process lang po yun. Magdala lang po ng pamasahe and tubig, tsaka payong. ?? Pano makakakuha ng INDIGENCY PHILHEALTH? * Punta ka sa brgy niyo, hingi ka form ng philhealth tsaka brgy id and don't forget na manghingi ng brgy. indigency. * Fill-upan mo yung philhealth form. Pa-xerox mo yun brgy id mo and brgy indigency and ultrasound mo. * Punta ka sa cityhall niyo. Mayor's office. After mo ibigay yung mga requirements which is yung brgy. Id, philhealth form and brgy indigency pati ultrasound. Hintayin mo, may ibibigay sila sayong papel na ikaw mismo magdadala sa philhealth office na malapit sa inyo. * Pagkadating mo sa philhealth, ibigay mo na sa kanila yung binigay na papel na galing naman sa cityhall. *Wait mo lang ng konti momsh, after nun may ibibigay sila sayong certificate na ikaw ay member na ng indigency or sponsored philhealth.

209 Các câu trả lời

VIP Member

Sayang noh. Paid for my philhealth and oaid my excess billing 😥

VIP Member

thank you po sa info! this is really a good help for me. ❤❤

Kaso kailangan pa ipa-update yung akin last 2018 pa po kasi yun

Ilang months po ba valid pag kuha ng philhealth

VIP Member

ako meron ako indicent phlhealth pero private ang ginamit ko

Pwede din ba gamitin sa lying inn ang indiegency philhealth?

Ang gamitin ko nlang po yung indegent ko.. Kasi CS PO AKO..

Dto sa amin Sa manila dpt botante ka pra makaavail ka ng indigency

opo isa daw po sa requirements.

VIP Member

PWEDE BA PO SA LAHAT YAN.?? OR PARA SA MGA BUNTIS LANG? THANKS

Para po sa lahat ng nangangailangan lalo na wala kakayahan talaga magbayad anf Indigency member ng Philhealth

Pano po mag apply for indigency or sponsored if private?

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan